Powered by Blogger.

Wednesday, July 10, 2013

"Conscience Troublemaker"


May bagong misyon si Idol. Presidente lang naman ng kontrobersiyal na Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Congratulations, Archishop Socrates B. Villegas, D.D. !!!


***


Mula December 1, 2013, sa edad na 52, pamumunuan niya ang kapulungan ng mga obispong Katoliko sa Pilipinas na binubuo ng 96 na aktibo at 40 honorary members. Ang mismong kapulungang binayo ng sari-saring isyu nitong mga nakaraang panahon tulad ng Pajero 7.

Remember Mitsubishops?


***


Maraming mamanahing hamon si Archbishop Soc sa kanyang pag-upo. Isa na rito ang nauupos na kredibilidad ng kumperensiya dahil na rin sa mga unnecessary media exposures. Masyadong naging mapagbigay sa mga media interviews ang ilan sa ating mga obispo.

Kahit maliliit na isyu ay pinapatulan.
 
 
***


Na kadalasan ay nababaluktot naman ng media. Napapalabas pa madalas sa publiko na ito ay paninindigan ng CBCP, gayung ito ay opinyon lang ng nagpapa-interbyung obispo.
 
 
***

Kampante naman akong kayang ayusin ang kumupas na imahe ng CBCP nitong bunsong anak nina Emiliano Villegas at Norma Buenaventura ng Pateros.

Protegee kaya ito ng paborito kong Cardinal Sin.
 
***


Minsan natiyempuahn ko ang isa niyang Misa sa Edsa Shrine. Fr. Soc pa lang siya noon. Ang kanyang sermon ay tumagal lamang ng 5 minuto. Subalit sa maikling sandaling ito malinaw niyang naipaliwanag at naiparamdam ang mensahe ng Ebanghelyo ng gabing iyon.

Di kagaya ng iba. Isang oras nang nagsasalita di mo pa rin matumbok ang punto.
 
 
***


Sa isang interview pagkatapos niyang ma-elect, kanyang sinabi:

“First, you must understand and accept that the Church is not a lobby group. The Church is not a non-government organization. The mission of the Church is truly spiritual, so if we get involved in bills like the RH bill, which is now a law, it’s because our spiritual mission mandates us to do that.” 

Promise po yan, ha?


***

Happy birthday muna sa Anluwage.com's Faith Section Editor, Anabelle Payod - Balla, sa July 12.

***

Maiba naman tayo. Ngayong si Erap na ang mayor ng Maynila, marapat lang dagdagan pa natin ang pagdarasal.

Oratio imperata para sa panunungkulan ni Erap.

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP