Powered by Blogger.

Saturday, April 30, 2005

Himala O Misteryo?

HIMALA O MISTERYO?

Nakisabit kami ng promo banner para sa anluwage.com sa bakod ng simbahan ng Saint Joseph de Gagalangin Parish. Ngunit ito'y biglang naglaho.

Himala o misteryo?

***

Sa kung sino man ang nag-alis o nagpaalis ng banner na ito, sana ay napasaya ka namin sa iyong ginawa. Hangad namin ang iyong kaligayahan.

Ok lang 'yon. Bless you!

***

Iniisip ko lang kung ano ang mga reason/s para gawin niya iyon. Siguro nagandahan siya sa tela at gusto niya itong gawing shorts.

Masyadong malaki yan para sa isang shorts. Pagawa ka rin ng katernong polo.

***

Pwede rin wala siyang kumot kaya kinuha niya ito para ibalot sa kanyang nilalamok na katawan. Tamang-tama iyan kse me halong gas ang pintura niyan. Wag ka lang magkakatol at baka ka magliyab.

Baka ma-instant impiyerno ka.

***

Pwede rin may nag-utos na ipatanggal ito. Siguro merong binabangungot tuwing nakikita ang anluwage banner na ito kaya ipinaalis niya. Ngayong naglaho na ang anluwage banner sa patyo, sana naman makatulog na siya nang mahimbing.

Sweet dreams!

***

So much about the nawawalang banner. Di naman ito big deal. Marami pa namang ibang way para ipagsigawan sa buong Gagalangin ang mabuting balitang handog ng ANLUWAGE.COM.

Nye-nye-nye-nye-nye!!!

***

Tinatawagan namin ang lahat ng staff ng Tanghalang Anluwage, Inc. sa buong mundo. We are currently updating our data base, so please, paki-update din ninyo kami sa inyong personal info, most especially your e-mail address.

Please write to us through: anluwage1@yahoo.com.

***

Kamakailan ay nagdaos ng "Cheese Session" ang ilang staff ng Tanghalang Anluwage, Inc. sa bahay ni Len Sienna noong dumalaw sina Manong Piet at Manang Nidz sa Manila. Nasa picture sa itaas sina ( left to right ) Ate Loury, Owen, Manong Piet, Manang Nidz, Len, Ate Liza Manzano at Mon.

Sayang at di nakadalo si Bobot!

***

Patuloy ang pangungulekta ni Manong Piet ng Hail Mary sa iba't ibang dialects. Kaya kung meron kayong alam, paki-email lang ito sa kanya thru pietroalbano@yahoo.com.

***

Habang sinusulat ko ang pitak na ito ay hindi ko pa makumpirma kung tuloy ang Synchronized Barangay and SK Election sa October 31, 2005. Para sa Kongreso, ito ay dapat umanong ipagpaliban. Samantalang ang COMELEC naman ay patuloy sa paghahanda para dito.

Kung ito ay di matutuloy ngayong taon na ito, malamang ay sa 2008 na tayo magpapalit ng bagong Tserman.

***

Dapat ba o hindi dapat na buwisan ang Simbahan? Matandang usapin na ang bagay na ito. Para sa akin ay hindi dapat in general. Tama si Archbishop Oscar Cruz na tanging mga pag-aari ng Simbahan lamang na income-generating ang dapat patawan ng buwis, na siya namang nangyayari sa ngayon tulad ng mga paupahang business space, etc.

Pero sa mungkahing lifestyle check sa mga pari, ok ako diyan! Di ba, Father?

***

Sumakabilang buhay na pala ang mahal nating si Monsignor Feliciano "Boy" Santos. Dating Kura ng Gagalangin. Siya ay pumanaw noon pang Nobyembre 2004. Hindi ito nabalitaan ng inyong Mokong kaya hindi rin namin ito naibalita sa inyo

Sino ba si Monsignor Santos? Tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Tanggero ang mga personal kong karanasan sa kung tawagin namin ay si Monsi.

***

Flash Report: Nawawalang banner ng ANLUWAGE.COM, di pa rin nakikita!!!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP