Powered by Blogger.

Thursday, September 07, 2006

Tulungan Natin Si Kuya Mhar

Lumalambot na nga ba ang Simbahan hinggil sa usapin ng condom? Ayon sa lumang Time Magazine na napulot ko, May 2006 issue, isang grupo raw sa Vatican ang nagsusulong ng exception sa paggamit ng goma na ito.

San Pancratio, San Lazaro!!!

***



Gusto umano ng isang retiradong Arsobispo ng Milan at ilang mga progresibong kasama niya na pahintulutan ang sinumang mag-asawa na gumamit ng condom sa pagkakataong ang lalake o ang babae ay may sakit na nakakahawa, lalong-lalo na ang AIDS.

Santa Catalina, Santa Isabel, CEU!!!

***


Ito ay pinabulaanan naman ng isang opisyal ng Roma. Mayroon nga umanong mga pag-aaral na isinasagawa tungkol dito subalit ito umano ay exclusively for internal use only o research purpose lang kumbaga.

Sayang, Mang Ver!!!

***


Sinong makakalimot kay Kuya Mhar o Marvin Martinez sa totoong buhay? Siya ang isa sa pinakamasipag sa Technical Department ng Tanghalang Anluwage. Isa siya sa pinakaunang dumarating at pinakahuling umuuwi sa tuwing may production ang grupo.

Si Kuya Mhar at ang kanyang butihing may-bahay na si Connie ay nahaharap ngayon sa isang matinding pagsubok. Ang kanilang anak na si Cyrene, 1 1/2 years old, ay may orbital tumor sa kanang mata. Tila kinakailangan umanong tanggalin ito sa pamamagitan ng operasyon upang maisalba ang buhay ng bata. Humigit kumulang P150 thousand ang magugugol sa procedure na ito.

Isama po natin sa ating panalangin si Cyrene.

***



Malugod din namin inaanyayahan ang mga nagnanais tumulong financially. Importanteng-importanteng maisagawa kaagad ang operasyon. Mangyaring paki-email si Arnold Vidar ( arnold_vidar@yahoo.com ) o si Dolor Gallego ( dogallego@yahoo.com )

God bless.

***


SHARE THE SECRET - Ito ang napiling theme ng Pambansang Linggo ng Katekesis para sa taon na ito. Share the secret to others. Ipahayag ang Mabuting Balita sa anumang anyo at kaparaanan.

I-alert ang inyong mga cellphones at i-mate: September 24 to October 1, 2006

***


On the lighter side, gustong kong batiin ng Maligayang Kaarawan ang nag-iisang tenor ng Tanghalang Anluwage - si Raemund Nicdao. Mon-Mon, expect namin ang mini-concert mo sa December reunion natin, ha?

Happy birthday!

***


QUOTE-kutin: “The product, abortion, is skillfully marketed and sold to the woman at the crisis time in her life. She buys the product, finds it defective and wants to return it for a refund. But, it's too late.”

- Carol Everett


***


For comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org.

***


Public Service: Pregnant? PRO-LIFE PHILIPPINES can help...Not Pregnant? I CAN HELP!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP