Powered by Blogger.

Wednesday, September 19, 2007

Tulak Online

Totoo ang sumpa! Nagkakatotoo na nga ang sinasabi ng medalyon. Ito na ang kinatatakutan ng mga baraha.

Mga alipin, mag-ipon na nang maraming asin at kulantro. Ito na iyon.

***


Seryoso ito mga kapatid. Ito na ang kaganapan ng hula ni Haring Mangganghinog – na gagamitin nga umano ang internet sa pagtutulak at paggamit ng droga. Di siya nagkamali sapagkat damang-dama na ito sa lupain ng mga forums, chat at social networking na kagaya ng Friendster at MySpace.

***


Sa pamamagitan ng mga message boards, private chat rooms, private groups, group emails ay nagkakausap-usap ang mga aning-aning na mga kapatid nating adik-adik at malayang nagpapalitan ng kanilang mga ekspertong kuro-kuro, pala-palagay, at mga karanasan tungkol sa kung paano at saan makakakuha ng mga epektos, anu-ano ang mga “in” sa palengke ngayon, mga tricks at tips, mga “gadgets”, et cetera.

***


Isa sa mga hot topics ay ang mga personal experiments ng mga praning na ito na kanilang ipinagyayabang sa mga kapwa praning.

Sample#1 - “Wow, tsong, nasubukan nyo na ba ang tama ng alketran sa bagong aspaltong kalsada? Da best. Class A.! Try nyo lang.”

***


Sample# 2 - “Mga dude, nabasa ko sa kabila na malakas daw ang sipa ng Red Horse na hinaluan ng lacquer thinner. Ratings pls.

***


Ang cute sa mga bangengeng ito ay magaling silang gumamit ng mga codes sa kanilang mga messages kaya di basta-basta madi-decode ng kung sinu-sino lang most especially ng mga parents. BRB MOTS.

Aakalain ng ilang mga nanay na naglalaro lang ng Scrabble ang kanilang musmos kaya ito nagta-type ng mga letrang hindi mabasa.

Ang di niya alam, “Be Right Back, Mother Over The Shoulder” ang ibig sabihin nito o sa Tagalog, “Teka lang, bad trip, nasa likod ko ang nanay ko.”

***


Nyahaha! Saan na patungo ang susunod na generation? Masyado nang hi-tech. Wala nang nagpipiko, wala ng naglalaro ng tanching, patintero, siyato at wala na rin may gustong maghila ng lata ng evap na may gulong na gawa sa sirang tsinelas. Sa panahon ngayon, puro abbreviations na ang pinagkakaabalahan ng mga bata: PC, MP4, PS3, CP, SMS, CWL, LBM, SM atbpa.

Hanggang sa pagdo-droga ba digital na, coded pa?

***


Basta na lang ba natin kalilimutan ang tradisyunal na pagtutulak ng droga? Huwag! Tulungan natin panatilihin ang pagbebenta ng droga sa mga malalapit sa paaralan, sa mga mall, sa mga presinto, sa mga preso sapagkat mas madali natin itong mahuhuli kesa sa mga transaksyon na nagaganap online.

Malufet ito at hindi basta-basta mahuhuli.

***


Ang nakakalungkot iisa pa lang ang ipinapalagay na solusyon sa problemang ito – ang pagtutok ng mga magulang sa online activities ng kanilang mga anak. Ito ay kung sa bahay nag-i-internet si Junior o si Nene. Sabi ng mga eksperto, ilabas sa sala ang PC para namo-monitor ang mga galaw nila. Pero tiyak na mag-aaway muna kayo bago mangyari ito.

Pero paano kung sa labas sila nag-i-internet? Aber?

***


BRB MOTS!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP