Powered by Blogger.

Monday, January 24, 2005

MANG-AAGAW SI KONSEHAL

Sari-saring comments na ang natatanggap namin since i-launch ang anluwage.com almost 2 months ago. Maraming salamat sa mga nagpadala ng positive feedbacks at prayers.

Sa mga nagpadala ng negative comments, thanks for making our lives pretty exciting.

***

Anyway, let's get down to business. Ang unang tagay natin is about credit grabbing.

Sa Tagalog - mang-aagaw ng proyekto.

***

Ang kuwentong ito ay matagal nang nangyari but it still make sense kung ikukuwento ko sa inyo.

History repeat itself, di ba?

***

Si Konsehal A ay may isang malaking proposed-ordinance. Nabalitaan ito ni Konsehal B kaya pinakiusapan niya si Konsehal A upang gawin siyang co-author ng ordinansa. Pumayag naman si Konsehal A.

***

At pumasa nga ang ordinansa. Eto na, pagdating ng araw ng blessing at ribbon-cutting ceremony, nakipag-unahang mag-speech si Konsehal B. Nag-iba ang takbo ng istorya. Siya na ngayon ang may idea ng proyekto at co-author na lang sa kuwento si Konsehal A.

Sa inis ni Konsehal A, kinabukasan, agad niya itong pinalagyan ng malaking karatula: PROYEKTO NI KONSEHAL A.

Clue: Sa Kalye Pampanga naganap ang eksenang ito.

***

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng aming staff ang 2004 crime statistics ng Gagalangin mula sa ating lokal na pulis. Pinakainteresado akong malaman ang lagay ng suliranin sa droga ng ating pamayanan.

Marami kayang adik-adik sa Gagalangin?

***

Kung may makikilala kang drug-pusher iri-report mo ba sa Baranggay o sa pulis?

***

ANO BA TALAGA ANG DA BEST HIGH SCHOOL SA GAGALANGIN? - Ayon sa ating on-going Poll, partial and unofficial, malayo pa rin ang agwat ng Torres sa kanyang mga katunggali. Subalit tie na sa 2nd place ang ICAM at Laurel.

Uyyy, sumasarap ang laban. Boto na ang di pa nakakaboto.

***

Malapit na ang kapistahan ng ating Mahal na Patrong San Jose. March 19, di ba? Saturday ito at walang pasok para sa karamihan. Kaya sana naman maraming makabahagi sa prusisyon. Ilang taon na rin kasing napakababa ang bilang ng mga nakikipag-prusisyon. Katwiran nila may pasok sa trabaho at eskuwela.

Tingnan natin kung may dahilan pa sila ngayon.

***

Wala akong cellphone kaya di ko pwedeng umpisahan ang text brigade. Pero paging sa mga merong teleponong de bulsa, baka naman pwede ninyong umpisahan ang pagpapasa-pasa ng impormasyon at imbitasyon para sa prusisyon sa March 19 at sa iba pang aktibidades na may kinalaman sa pista ni San Jose. Alang-alang sa ating Patron.

At kung di naman kalabisan, promote n'yo na rin ang website natin: anluwage.com. Thank u in advance.

***

Sa The Search for Ms. Crush ng Bayan 2000 ng Tanghalang Anluwage, Inc.:

HOST: Kung magkakaroon ka ng karunungang mag-imbento ng isang bagay na makakapagpabago sa mundo, ano ang iyong iimbentuhin at bakit?

Candidate: BAHAY po. Wala po kasi kaming bahay.

( Hik! )

***

Personal ko kayong inaanyayahang makigulo sa ating message board. Makisali kayo sa mga exisiting topics o kaya naman ay mag-umpisa kayo ng bagong issue. Kahit anong issue na kumukulo sa utak mo. Klik mo'to.

***

Pakiusap naman sa mga may alagang aso. Wag n'yo namang pong pabayaang gumala-gala ang mga ito, lalong-lao na sa umaga. Nahihirapan kasi ako sa pagbili ko ng pandesal sa Los Angeles Bakery tuwing umaga eh. Lalong-lalo na diyan sa Tirso Cruz Street.

Pasensiyahan tayo, pag ako kinagat ng inyong aso, kakagatin ko rin siya.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP