Powered by Blogger.

Sunday, March 06, 2005

Dalawang buwan na pala tayong nagba-blog, Gagalangin. Ibig sabihin dalawang buwan na rin tayong nagsisikap na pagkaisahin ang diwa ng ating barrio sa pamamagitan ng anluwage.com.

Happy 2nd monthsary sa ating lahat!!!

***


Alam natin na marami pang kakaining bigas ang web site na ito bago maabot ang kanyang mithiin. Subalit sa ipinakikita nitong potensiyal ngayon…

Pwede.

***


Why not? Mantakin mo, araw-araw tayong nagkikita sa jeep, sa simbahan, sa palengke, sa panaderya, subalit hindi tayo magkakilala. Parang walang mukha ang bawat isa sa atin kundi nakatayong balat lamang na may damit.


***


Ngayon, sa ating paglatag ng anluwage.com, subukan natin na magkaroon tayo ng munting cyber-tambayan, kung saan malaya tayong makakapagpalitan ng impormasyon, opinyon, balita at marami pang bagay na mahalaga sa ating pamumuhay dito sa lugar daw ng mga kagalang-galang.

Siyempre may konti rin tsismis. Konti lang.


***


Sa email sa amin ni Corazon_MD, kanyang itinatanong kung ano raw ba ang purpose ng anluwage.com , dahil hindi umano malinaw sa kanya ang konsepto ng proyekto. Tita Cora, if I may call you Tita, or (Duktora ba?) seven years ago pa po naipanganak ang idea ng anluwage.com. Marahil may ibang plano ang Panginoon kung bakit hindi agad nag-materialize.


***


I-picture natin ang na-imagine namin noon. Gusto mo ng umalis sa inuupahan mong bahay at lumipat sa iba pero gusto mo sa Gagalangin pa rin. Saan ka pupunta para maghanap? Iikutin mo ba ang Gagalangin?

Hindi ‘no! Sa anluwage.com. Baka kasi may nag-post ng house for rent.


***


Nakatulog ka nang maaga kagabi kaya di mo namalayan na may gulo palang nangyarii . Di ka maka-relate sa kuwentuhan dahil wala ka ngang alam sa nangyari. Saan ka ngayon pupunta para I-satisfy ang curiosity mo?

Sa anluwage.com. Baka naka-post na sa Baranggay Balita!




***


Seventh birthday na ng panganay mo kaya gusto mong magpa-party sa Jollibee Gagalangin. Kaso busy ka pa sa trabaho kaya di ka makapag-inquire. Anong gagawin mo?

Mag-a-anluwage.com ka. Baka kasi sponsor na natin sila by that time kaya maaari na nilang I-post ang party packages nila at siyempre pati contact number.



***


May gusto kang iparating na hinaing kay Cong. Lopez o kay Konsehal Kurdapyo at gusto mo urgent. I-via anluwage.com mo. Tiyak regular na silang magchi-check dito para malaman nila ang damdamin ng kanilang mga constituents.


***


Bumabagyo, gusto mong tumawag sa Benitez para alamin kung may pasok o wala, kaso busy ang phone…Mayroon kang mga bagay na gustong ibenta, I-garage sale kaya…Gusto mong makakilala ng mga bagong friends na malapit lang sa bahay mo at kapareho mo ng interests…Gusto mong malaman ang mga party schedule, mga activities ng paborito mong civic organizations at mga programa ng Parokya o ng iyong Church…Ano ba ang clinic hours ni Dr. Duktoran….At kung anu-ano pang gusto mong gawin sa buhay mo…

Anluwage.com lang….madaling tandaan di ba?



***


Lahat ng ito’y pawang panaginip pa lamang subalit hindi naman mahirap maaabot.. Basta ba laging nariyan kayo. Kayo kasi ang inspirasyon namin eh.

Peksman!


***


Talaga bang desperado na ang gobyerno natin sa pagsolusyon sa problema natin sa ekonomiya at ang populasyon na lang natin ang paboritong pagdiskitahan?


Sana lang ay nag-artificial family planning method ang mga magulang ng mga tinamaan ng magaling na author ng mga panukalang batas na ito…Di sana wala sila sa mundo ngayon…

Kung nagkataon sa kubeta sila ngayon nag-oopisina.


***


Maraming pwedeng unahing solusyunan ang gobyerno natin para mapabuti ang ating ekonomiya. Unahin na nila ang corruption sa kanilang mga tanggapan. Magkano ang nawawala kay Juan dela Cruz at napupunta lamang sa mga tiwaling tao? Baka diyan pa lang kalahati na nating ma-solve ang problema ng bansa.


***



Sa ngayon ay hindi pa natin alam ang posisyon ng ating mahal na Congressman Jim Lopez sa mga panukalang batas na ito.

Congressman Jim, we are praying for you!


***


Nakatuwaan kong kumustahin ang mga nagdaang Kura ng Saint Joseph de Gagalangin Parish sa pamamagitan ng web site ng Archdioecese of Manila. May kakaibang kirot sa pusong malaman na retirado na pala sina Monsignors Boy Santos at Federico Navarro. Parang kailan lang kasama natin sila dito sa parokya at aktibong naglilingkod sa atin.

Si Msgr. Santos, ayon sa web site, ay naninirahan ngayon sa kanyang condo unit sa Valencia Tower sa San Juan, samantalang si Msgr. Navarro naman ay sa kanilang bahay sa Maypajo, Calookan City.

Maraming, maraming salamat po, Mga Monsi naming mahal, sa panahong iniukol ninyo sa paglilingkod dito sa aming barrio.


***

Taun-taon ay nakagawian na ng ilang staff ng Tanghalang Anluwage, Inc. ang dumalo sa Chrism Mass tuwing Holy Thursday ng umaga sa Manila Cathedral. Bagama’t napaka-solemn ng Misang ito, puno naman ito ng damdamin. Halos lahat ng pari sa buong Archdiocese ay dumadalo rito at nakikipag-concelebrate. Dito rin sila nagri-renew ng kanilang sumpa sa pagkapari. Sa Misa rin na ito binabasbasan ang mga langis na ginagamit sa mga simbahan sa binyag, kumpil at sa mga maysakit.

Sana makadalo rin kayo. Kadalasan 6AM ito nag-uumpisa.


***


Please regularly check anluwage.com, most especially our Easter Special. Sabay-sabay nating pagnilayan ang mga Mahal na Araw bilang isang bayan.

Sa mga may pa-caridad at Pabasa, nandito lang kami. Wag sana kayong makakalimot mag-imbita para sa pinakamasarap na Ginataang Bilo-Bilo.


***


Sa susunod na issue, susubukan natin I-rate ang pa-caridad at Pabasa na napuntahan namin ngayon taon na ito.

Joke!






No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP