Powered by Blogger.

Thursday, May 26, 2005

Si Cristo sa Umaga, Si Cristy sa Gabi

Classic na ang Lay Minister joke na si Cristo ang kanilang hawak sa umaga samantalang si Cristy naman sa gabi. He-he-he! Nakakatawa subalit may malaking isyung nasa likod nito.

Di ba eto nga ang pinagtalunan nina Fr. Gungon at Bro. Totoy Santos?

***


Hanggang sa napilitan ngang mag-resign si Bro. Totoy bilang pinuno ng Special Ministers of the Eucharist ng Saint Joseph de Gagalangin Parish. Mataas ang standard na nais isulong ni Bro. Totoy sa pagpili ng magiging mga bagong Lay Ministers na kaiba naman umano sa nais ng Kura.

Ano ba ang nais ng Kura, in the first place?

***


So, kesa makipagtalo sa Kura, minabuti ng mama na ituloy na lang ang pagtitinda ng mga gamot sa murang halaga sa pamamagitan ng Santos Pharmacy. Mas makatutulong pa siya sa kapwa, di ba?

Mananalo ka ba sa Kura?

***


Dapat lang talagang itaas ang standard sa pagpili ng mga bagong special ministers of the Eucharist (SME) o taga-subo ng ostiya. Si Cristo, ang Panginoon, ang kanilang hinahawakan kaya't marapat lamang na piling mga tao ang magsasakatuparan ng gawaing ito.

Kaya nga special di ba?

***


Subalit hindi lang dapat sa mga bagong SME ang pagpapatupad ng mataas na standards kundi ganoon din sa mga beterano na sa paglilingkod.

***


Napag-uusapan ang ostiya, ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Corpus Christi Sunday o Kapistahang ng Katawan at Dugo ng Panginoong Jesucristo. Bigla kong naalala ang nasirang Monsignor Santos. Kapag hindi sumagot ng amen ang nangungumunyon sa kanya, siguradong pagagalitan niya. "Tsk, sabi nang sasagot ng amen, eh."

Partida, naka-mic pa yon.

***


Sa Sabado, May 28 at sa Linggo, May 29 ay may inihandang palatuntunan ang Archdiocese ng Maynila upang maringal na maipagdiwang ang kapistahang ito, kabilang na ang prusisyon mula sa Santa Cruz Church hanggang sa Manila cathedral. Inaasahan ng ating Arsobispo Gaudencio B. Rosales ang inyong pagdalo.

Attend tayo ha?

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP