
Kayo talaga! Kaya mahal na mahal ko mga readers ko dahil hindi lang sila kuntento sa pagbabasa, lagi pa nila akong binubusog sa mga kwento.
Mga dalahira!!!
Mga dalahira!!!
***
Kapag ako'y nakulong dahil sa maling tsismis ninyo, idadamay ko kayo. Sama-sama tayo sa kulungan para masaya.
Headline: MGA TSISMOSO'T TSISMOSA PINAGTSI-TSISMISAN DAHIL NAKALABOSO!!!
***
Isang kagalang-galang na opisyal ng Gagalangin diumano ang lulong sa sugal.
Anong pakialam ko!
***
Sabong at casino diumano ang kinababaliwan ng damuho.
Haller! As if I care.
***
Pabayaan mo siya kung gusto niyang magtapon ng pera. Marami naman yata siyang bala.
Hayaan mong magdibersiyon yung tao. Ang intindihin mo eh yang baon ng mga anak mo.
Pustahan, di ka pa nakakapagsaing 'no?!
***
Eh kaso mo nga halos gabi-gabi raw eh laman ng casino sa Pan Pacific Hotel ang kamote.
Pan Pacific Hotel? Sosyal ang lolo mo.
***
Alam ninyo, wala tayong pakialam kesehodang sa Las Vegas pa yan mag-baccarat o magpusoy diyan sa kanto. As long na hindi pera natin ang kanyang ginagamit.
P're, pengeng balato, pag tumama ka, ha?
***
Kaya hindi mo rin masisisi ang mga Gagalangineno kung bakit naglipana rito sa atin ang lahat na yata ng klase ng sugal. Ilang bookies ng karera ng kabayo meron dito? Ilang madjongan? Ilang pusoyan? Wag mong sabihing walang jueteng dito. May ending pa ng basketball kamo.
Paano kasi, yung dapat sanang nagsisilbing mabuting ehemplo ay siya pang promotor. Pan Pacific Hotel pa, ha!
***
Hoy, kulas, inuulit ko, wala akong pakialam kung nagsusugal ka. Kung gusto mo isugal mo pa pati buhay mo. Ang sa akin lang, matuto ka namang sumimple.
Halatang obvious ka naman masyado, eh!!!
***
Ang sa akin ay paalala lang. Alalahanin mo, second chance mo na ito di ba? 'Di ba halos sugal na rin ang nagpahamak sa'yo sa dati mong pwesto. Again, di kita pinakikialaman. Buntot mo hila mo.
Wag mo lang ipakita dito sa tsismoso kong kapitbahay.
***
Ang katwiran kasi niya, sa sugal daw walang panalo. Mas madalas ang talo. Kaya't hanggang maaga, hanggang kaya pa ay iwasan na. Pag naubusan ka ng panaya, saan ka na kukuha niyan?
Wag mo akong uutangan! Baka bambuhin kita.
***
Again, kung kukulitin ninyo kami sa email para sabihin sa inyo kung sino itong tinutukoy kong opisyal, wag na kayong mag-aksaya ng panahon.
No-no-no-no-no!!!
***
Walang plano ang ANLUWAGE.COM na manira ng magandang kinabukasan ng sinumang Pilato. Inilathala ko ito para magsilbing babala lamang sa taong concern.
May tenga ang lupa, may pakpak ang balita!
***
Mabuti pa pagpustahan na lang ninyo kung sino ang opisyal na ito.
Kung sinong unang puputak, siya ang umutot!
***
Happy 30th birthday nga pala sa Papa Vlad at Papa Pietro ko.
Treat ko kayo sa Sabado...Sa Pan Pacific Hotel! ...Wakikiki!
No comments:
Post a Comment