Naging malaking isyu ng nakaraang mga araw ang wire-tapping. Akalain mong ang pinakamataas na lider umano ng ating bansa ay hindi ligtas sa illegal na gawaing ito. Nakakabilib ang mga gumawa nito kung ito ay totoo o hindi dinuktor.
Pero sa tingin ko wala nang tatalo pa sa mga tsimoso't tsismosa sa simbahan pagdating sa "wire-tapping." Saludo ako sa mga ito sa pagsagap sa mga sariwang "balita" at "impormasyon."
24 oras.
Pero ito hindi ay hindi tsismis. Isang malaking balita ang binabantayan ng ANLUWAGE.COM na maaaring pumutok anumang oras ngayong week na ito. Tungkol ito kay "Pan Pacific Boy."
Yung kinukwento ko sa inyo tungkol sa isang mataas na opisyal ng Gagalangin na kahilig umano sa casino at sabong? Remember?
Matigas talaga ang ulo ng mama. Ang sabi ko sa kanya kung di niya kayang pigilan ang paglalaway niya sa sugal, eh matuto man lang siyang sumimple o magtago.
Ayan at nakunan daw tuloy siya ng picture sa sabungan na may karga pang manok.
Gustong palitan si San Pedro.
Ayon sa ating reliable sources, naiparating na ito sa mas nakatataas sa kanya. Isang miting diumano ang naitakda kasama ang ilang saksi, si bossing at si "Pan Pacific Boy."
Ayan, lagot ka! 'Taw tasi, tulit mo eh!
Subalit may reservation ako sa bagay na ito kaya ayaw ko munang pangalanan ang taong ito. Maaaring sa miting ay mapakiusapan ang mga saksi na ayusin na lang in private ang isyung ito upang di na mabulabog ang sangkalupaan.
So dapat respetuhin din natin ito.
Ngunit kung sakaling magdesisyon ang mga saksi na ituloy ang kanilang pakikibaka, asahan ninyong tututukan ito ng ANLUWAGE.COM.
Kami pa!
Natatakot lang ako na baka kasi sa tatlong beses na pagtilaok ng manok eh tatlong beses din kaming ipagkanulo ng aming mga sources.
Taktilaok!
Kaya ibang klaseng "sabong" naman ang dadaluhan ni "Pan Pacific Boy." Ibang cristo naman ang sisigaw ng "Sa Red o Sa White?" " Sa Meron o sa Wala?"
Ano bang pwedeng itawag sa eskandalong ito? SABONG-GATE? Corny. CHICKEN JOY kaya?
At any rate, sa ngalan ng responsableng pamamahayag, let's give this man the benefit of the doubt. Maaaring kamukha niya lang ang nasa picture. O baka may kakambal siya. Malay natin di ba?
O picture muna...say chicken....este say cheese pala.
Hindi ko pa nakikita ang nasabing picture kaya hindi pa ako makapagbigay ng personal kong judgement. Anyhow, let's pray for the success of that meeting. Nawa'y sa ikabubuti ng lahat ang maging bunga nito. Amen!
Pakiabot nga 'yung fried chicken, please!
Question: Ano ba talaga ang nauna: ang manok o ang itlog?
FEEDBACK: From Manila Northwest, 16 June 2005, "Eh anu naman po ba kung nasa sabungan siya? at kung may himas himas pang manok? baka naman nanood lang siya dun at baka nman hinde kanya yung manok... remind ko lang po wag nyo po sanang husgahan yung tao at subaybayan siya! may kanya kanya tayong buhay at kung gusto nating makialam sa buhay ng iba bakit di po muna natin pakilaman yung sarili nating buhay at baka tayo din mismo ay may ginagawang mali.. sad to know na mga taong aktibo pa sa simbahan ang nakaka-isip na gumawa ng mga ganyang bagay...pagdasal nyo lng po na sana walang taong manira sa inyo. God bless.
Mainit ang ulo ng lolo n'yo.
We value everyone's opinion. For your comment, just click the comment link below or email us at anluwage1@yahoo.com. Thanks. God bless.
1 comment:
it's every reader's responsibility to check every fact. believe it or or not is our choice.
Post a Comment