
Lumabas na naman ang pagka-trying hard ng ABS-CBN News and Current Affairs.
Kailan nga ba hindi?
Pinipilit ng mga anchors at reporters nito na ihambing ang burol ng butihing Jaime Cardinal Sin sa naging lamay ni John Paul II.
Naman.
No bearing. John Paul II was a global icon, first and foremost. Though Cardinal Sin became an international figure also, still you can't compare the intensity ng kanilang respective lamay 'no?!
Napaka-elementary nito.
Nagtanong pa ang isang anchor, "May napansin ka na ba diyan sa paligid ng Manila Cathedral na nagtitinda ng mga memorabilia ng yumaong Cardinal Sin?"
Uyyy, nagpapatawa siya!?!?!
Isang reporter naman ang tila napakalakas sa Vatican kaya ilang beses niyang itinaas ang ranggo ni Manila Archbishop Gaudencio B. Rosales.
Ilang beses niya yata itong tinawag na Cardinal Rosales.
Sa Communication 101, 3 ang pangunahing role ng media: to inform, to educate and to entertain. Parang eto lang yatang huli meron ang mga news ng ABS-CBN.
In fairness, na-entertain kami, ha?!
Speaking of Cardinal Sin, this man deserve the honor and recognition on national level.
Ngek! Tunog congressman ako.
Kunyari ako ay isang kongresista. Gusto kong parangalan ang Kardinal sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang panukalang batas na magtatalaga ng isang kalsada sa kanyang pangalan.
Ngayon, hindi lang ako tunog congressman, I think like one also.
Aling kalye nga ba ang magandang ipangalan kay Cardinal Sin? Personally gusto ko ang EDSA. But I'm sure marami ang magri-react. Mangunguna diyan tiyak ang mga Marcos at Erap loyalists.
First reading pa lang sa kongreso siguradong laglag na ang bill.
With all due respect to Shaw but I honestly don't know him and why Shaw Boulevard is named after him. The "House of Sin" aka Villa San Miguel where Cardinal Sin domiciled for so many years is on that boulevard. Naging historical ang lugar na ito dahil na rin sa kanya.
Sin Blvd.? Ouch! I mean Cardinal Sin Blvd.
Jaime Cardinal Sin was a classic example of a good Christian. Pinili niyang hindi magkulong sa kanyang palasyo at sa halip ay nakipamuhay at nakibaka sa piling natin.
We'd surely miss you, Your Eminence.
HIYA! Congrats to the newly elected officers of CATHOLIC YOUTH ORGANIZATION or CYO, Gagalangin Unit. Ang lipon ng mga kabataang ito ay maituturing ng isang institusyon sa ating parokya.
Since 1938 ay walang kapaguran ang grupong ito sa paglilingkod sa ating parokya. Bukod sa pagku-choir every Sunday, meron din silang outreach programs tulad ng pagdalaw sa mga bahay-ampunan upang magbigay ng pagkalinga.
Taray! Mabuhay kayo!
Hindi buo ang CYO kung di babanggitin ang pangalang Loury Ann Serdon. Hindi lang ito ang haligi ng CYO...Ito ang pader ng CYO.
Parang Great Wall of China.
Alam ba ninyong ang June ay merry month para sa Production Department ng Tanghalang Anluwage, Inc. 3 kasi sa celebrated actors and actresses nito ay nagdiriwang ng kanilang bersday sa buwang ito, namely Jun Pablo, Bobby Halili at Rowena Bautista.
Tatlong matitindi ang mga ito.

Si Jun o Kalbo para sa tropa ay nahasa na sa pagganap since his Knights of the Altar years pa. Subalit sa TA, Inc. tunay na napalutang ang kanyang natatanging kinang... Oo, meron naman. Markado ang naging pagganap niya sa dulang ANG BAGONG DATING kung saan gumanap siya bilang isang anghel. Susmaryosep! Isang anghel.
But aside from acting, Jun has also shine as Technical Director.

Bobby Halili or Bote para kay Len was a womanizer turned one-woman man. Totoo na ba'yan? Well, Bobby is one hell of an actor. Mapa-heavy drama, mapa-comedy o mapa-hosting job pa yan, mamaniin lang ng lalaking ito na ipinaglihi yata sa porma.
Masyadong secure sa gender niya ang kulot na ito dahil with conviction kung magsuot ito ng paborito niyang pink long sleeve.

Rowena Bautista or Owen. Ang ex-girlfriend ni Jun Pablo. Mabuti naman at natauhan ka na. Kidding aside, malupit ang curriculum vitae ng miss na ito. Grad ito ng Ryan Cayabyab Music Studio kaya hataw ang boses. Kaya hindi nagpatumpik-tumpik ang Anluwage sa pagpili sa kanya upang gumanap na Mahal na Birhen sa ipinagmamalaking original musical ng grupo about the life of St. Joseph- ANG PITONG HAPIS, PITONG TUWA.
Sa kasalukuyan, isa siyang manunulat sa isang sikat na broadsheet ng bansa.
Sa inyong 3-Jun, Bot, Owen, we are truly happy and grateful at kayo ay kasama namin sa grupo. Tanghalang Anluwage, Inc. is so proud to have you. God bless! Take care always. See you. Good night. Sleep tight. Don't let the bed bugs bite.
HAPPY, HAPPY BIRTHDAY!
No comments:
Post a Comment