Powered by Blogger.

Friday, July 08, 2005

Isang Boring na Friday

Akala ko’y isang boring na Friday na naman ang 08 July 2005, though birthday ito ng isang katoto namin sa Anluwage, si Pareng Al Francis Reyes o mas kilala ng mga Torresians bilang si Johnny ng sikat na dulang June at Johnny. Happy birthday, Bro!

Palakpakan naman.

***


Day-off ko ‘yon sa trabaho pero ala naman akong pera kaya naisip ko hihilata na lang ako maghapon. Binuksan ko ang TV at sa hindi malamang kadahilanan, sa ayaw ko man o sa ayaw, sa ABS-CBN News Channel ito nakakasa. Pasado alas-tres na ng hapon. Mukha ni Dong Puno ang nabungaran ko.

Sa loob-loob ko, si Dong Puno nasa TV nang ganito kaaga. Tila may nangyayari sa Pilipinas.

***


Meron nga. Niyayanig ng katakut-takot na problema ang Malacanang. Earlier that day pala ay nag-resign na ang 7 sa pinakamatitinik na miyembro ng gabinete ni PGMA: sina Boncodin, si Cesar Purisima, si Dinky Soliman, at iba pa.

Di ko alam kung sira ba ang TV namin pero parang may highlight ang buhok ni Dinky na kulay blue.

***


Maya-maya’y may footages na silang ipinapakita, si Tita Cory Aquino asking PGMA to make the “supreme sacrifices” by relinquishing her position to the “constitutional successor .”

Kay Noli de Castro daw, bayan!

***


Maging si RP Ambassador to China Teofisto Guingona ay umeksena rin. Mabuti na lamang at maganda ang pagkaka-make-up sa kanya.

***


Then si Senate President Franklin Drillon naman, who’s sporting a new hair style. Sabi niya, ang Liberal Party raw ay sumusuporta sa panawagan para sa pagbibitiw ng Pangulo. At kung di raw magbibitiw si Ate Glo ay susuportahan na lang nila ang kanyang impeachment.

***


Ilang saglit pa’y umulan naman ng mga statement mula sa iba’t ibang party. May nanawagan ng resignation at meron din naman ng pagsuporta. Nacionalista Party, Sanlakas Party, Lakas -NUCD Party, Reporma Party, Liberal Party, Kampi Party.

Buti na lang di nagsalita ang birthday party, Christmas Party at higit sa lahat ang Halooween Party.

***


Pati ang business sector ay di rin nagpaawat. Makati Business Club is for PGMA resignation versus Pro-PGMA naman ang Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Mabuti na lamang at di naapektuhan ang piso.

***


Sulit ang maghapon kong paghilata. Ang daming palabas. Talo ko pa ang nag-sine. Subalit ang pinakamaingay para sa akin ay ang pananahimik ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Ang pananahimik ng ating mga obispo, ang kanilang panawagan para sa katiwasayan at panalangin ang nagpakalma sa sitwasyon. Sila ay nangako na magbibigay ng pahayag sa kinabukasan, July 9, 2005 nga iyon.

***


At the end of the day kapayapaan ang nanaig. Nagsayawan at nagdasal na lamang ang grupo ni Bro. Eddie Villanueva sa People Power Monument.

Hatinggabi. Zzzzzz…..Ngork!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP