
Malayo pa ang Catechetical Month subalit hayaan na ninyo akong talakayin ito this early. Ayon nga sa matandang kasabihan, ‘Pagkahaba-haba man din daw ng prusisyon kung patay na ang kabayo.’
***
Ayon sa Simbahan, ang bawat Kristiyano raw, partikular ang mga Katoliko, ay ketekista o tagapagturo ng mga banal na aral. At tama lang na ang mga unang ketekista na ating nakikilala ay ang ating mga magulang st kamag-anak.
Pagkatapos ng “Where’s the moon?” workshop ni nanay, ang karaniwang isinusunod niyang ituro kay baby ay ang pagsa-sign of the cross.
“Jun-Jun, gayahin mo si mommy o, (with matching action), The name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit. AMEN!
***
Ang next lesson naman ay: “ Jun-Jun, where’s Papa Jesus? Come on, Jun-Jun, tell Daddy where’s Papa Jesus. “ At sasagot naman si Jun-Jun, “There!” (sabay turo sa imahen ng Santo Nino).
Siyempre tuwang-tuwa si Mommy at si Daddy. Palakpakan sila. Yehey, galing ni Jun-Jun.
***
Ang susunod na module naman ay ang AVE NI LOLA o TITA. “ Jun-Jun, halika labas ka rito may AVE.
(Sa loob-loob siguro ni Jun-Jun, “Anong Ave?”)
Ah, prusisyon pala ni Mama Mary. Sapilitan ngayong pakakantahin si Jun-Jun para iparinig sa kapitbahay:
“Ave, ave, ave Mayiya!….Ave…..”
***
Subalit ang pinakapaborito ni Jun-Jun ay ang araw ng Sunday or Jollibee Day, este Simba Day pala. Pag Sunday kasi ay sisimba sila nina Daddy at Mommy. Makakatakbo na naman siya sa gitna ng simbahan habang nagsi-sermon si Father. Magpapalipat-lipat ng upuan. Mangdidila ng katabi. Tapos kakanta na naman siya ng Ama Namin, kahit pa siya lang ang nakakaintindi ng kanyang lyrics. Ngunit ang pinaka-ayaw niya ay pag sobrang kulit at ingay na niya. Tatakutin na siya ni Mommy.
“ Wag kang maingay. Sige ka, kakainin ka ng pari.”
***
Halos ganito ang karaniwang karanasan ni Jun-Jun at ng ilan pang mga paslit, sa piling ng kanilang mga unang katekista – ang kanilang mga magulang at kamag-anak. Subalit pag tuntong na nila sa mga paaralan, most especially yung mga nasa public school, ay nag-iiba na ang lahat. Mas nagiging klaro na sa kanila ang mga baga-bagay.Na ang pari pala ay hindi nangangain.
***
Sa mga public schools natin ay makikilala na nila sina Ate Oying, Ate Virgie, Ate Janet, Ate Gigi, Ate Precy at kung sinu-sino pang mga ate. Sila ang mga sinanay at itinalaga ng ating Simbahan upang tulungang hubugin ang ating mga paslit upang maging ganap na mga Kristiyanos***
Sa kabila ng panunukso ng mga private schools sa pamamagitan ng pagu-offer ng mas malaking sahod, mas minabuti ng mga magigiting nating Catechists na manatili sa paglilingkod sa mga public schools ng ating parokya dahil alam nilang higit silang kailangan dito.Mas marami sanang mga loko ngayon sa Gagalangin kung wala sila.
***
Kabayanihang matatawag ang pagiging isang ganap na katekista. Hindi basta-basta ang sinusuong nilang problema kada school year. Eh kung nagkataong Iglesia ni Cristo o Born Again pa ang principal?Lalong susmaryosep!
***
Kakarampot na oras na nga lang ang naibibigay sa kanila sa mga classrooms eh baka tuluyan pa itong maglaho.
***
Ang mga sandaling oras pa naman iyon ang kadalasang ginagawang oras ng pag- may I go out ng ilang estudyante.
***
Subalit hindi sa paaralan nagtatapos ang kabayanihan ng ating mga Katekista. Hanggang bahay ay kabuntot nila ang problema. Aminin! Napakaliit ng stipend o allowance na kanilang natatanggap mula sa ating Simbahan. Hindi kayang bumuhay ng isang pamilya. Hindi kayang magpa-Jollibee ng anak. At kung minsan ay nag-a-abono pa sila sa mga supplies na kailangan nila sa pagtuturo.***
At paano natin ginantimpalaan ang ating mga Katekista? TINANGGAL NATIN ANG SECOND COLLECTION PARA SA CATECHETICAL FUND!***
Malaking tulong din sana ito sa ating mga Katekista dahil kahit paano ay nagkakaroon sila ng pondo para sa mga pangangailangan nila sa kanilang mga lessons. Kaso, narinig ko na tila ipinatigil na yata ng ating Kura ang Second Collection na nabanggit. Bakit kaya?Wag naman po sana. Amen!
***
Anyway, ipatigil man ng ating Kura ang Second Collection, meron pa naman tayong magagawa. Lalo na yung mga readers natin na nasa abroad. Alam kong marami sa atin ang nagdaan na sa kamay ng ating mga mahal na katekista. Marami sa atin ang kanilang nagabayan sa ating buhay-pananamapalataya.Ngayon sila naman ang nangangailangan ng ating tulong. Hindi pa rin para sa kanilang kapakanan kundi para sa kapakanan naman ng mga bagong bata na umaasa sa kanilang paggabay.
***
Yung mga sobra ang blessings diyan na gustong mag-share para sa mga kabataan ng Gagalangin, welcome po kayo!Don’t be shy.
***
Pwedeng cash or school supplies. O kaya merienda. Kahit anong tulong. Pwede ka rin mag-volunteer Cathecist sa mga libreng oras mo. Bukas po ang St. Joseph de Gagalangin Catechetical Office para sa lahat ng inyong maitutulong.
Makipag-ugnayan lang po kay Sis. Oying Vidar! Ipagtanong n’yo lang po, yung nanay ni Arnold ka n’yo.
No comments:
Post a Comment