
Biniro namin dati ang taong ito. Alin ba ang mahalaga sa’yo: ang gitara mo o ang girlfriend mo? Walang kagatol-gatol ba namang sumagot na, “Siyempre ang gitara ko’no?!”
Oo nga naman. Ang girlfriend napapalitan pero ang gitara once na masira itatapon mo na.
Ang taong tinutukoy ko ay walang iba kundi ang kasalukuyang naglalapat ng musika sa mga Salmo na ating ginagamit sa mga Misa ng bawat Linggo. Siya si Arnold Jamandri Vidar o si Guitarism para sa aming Mother Superior na si Precy Mallari.
Si Arnold, na anak ni Tilo na asawa ni Oying na kapatid ni Jerry na anak naman ni Lourdes, ay nagmula sa angkan na matagal nang naglilingkod sa ating Parokya, partikular na sa pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Poong San Jose.
Kasabay ko itong namamalengke sa Pampanga Market noong bagets era. Pareho kami laging may baong malaking plastic bag para pagsidlan ng aming mga bibilhin. Subalit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong ma-interview ang ka-palengke kong ito.
From Marian Choir, to Knights of the Altar, Tarcisian Adorers group, Tanghalang Anluwage hanggang Spiritus Dominus Choir, lahat ng ito ay naging part ng buhay mo, pero alin sa palagay mo ang pinakamalakas ang impact sa'yo?
Okay from the pattern of ministry that I've been, it started with the choir, Marian, and it loops back to the choir, SDC. As of now regardless of the groups’ name mas malakas ang impact sa ‘kin ng Music Ministry,. I know God assigned me in this ministry.
Ano ang pakiramdam na ngayon ay may kritikal na responsibilidad ka sa ating mga choirs?
Actually, wala lang....Hindi ko siya tinuturing na isang malaking responsibilidad. I'm just happy because I'm sharing God’s given talent.
Anu-ano ba kasi ang mga concerns na kinakaharap ng ating mga Parish Choirs?
With regards to Parish choirs’ concern, most of them lacks training and knowledge about the ministry in which they belong to. And also lack of materials that will enhance talented members musically.
Di ba naging part ka ng "kudeta" versus Mr. Pepito Velada upang magkaroon ng pagbabago ang ating mga Liturgical Music sa parokya? Sa tingin mo, tama ang ginawa natin noon?
Para sa aking pansariling opinyon, tama lang yun... We had to move on. We have to be open for new repertoires.
Ano bang meron ang mga choir ng Gagalangin na wala sa choirs ng ibang parokya?
Guts...Hehehe!!!
Eh yung meron sila na wala tayo?
Magagaling at professional trainers and support from the other ministry....
What is Arnold Vidar's favorite Liturgical song or songs?
I don't have any particular favorite liturgical song. As long as the song touches the heart of every listener.
How about inspirational song?
Same pa rin No particular inspirational song....
Ano nga ba ang difference between Liturgical and inspirational, by the way?
Liturgical songs are songs composed with an intention to use in Liturgical services such as the Holy Mass. and the lyrics are derived or inspired from the scriptures while inspirational song can be any song will it be liturgical or secular songs as long it will help you to think and meditate to be inspired.
Nakapag-compose ka na ba ng any song? And why?
Most of my compositions are Responsorial Psalms. I want to publish a collection of Responsorial Psalms book covering the three liturgical cycles.
Interesting. Paging publishers in the house!!!…Can you please describe each of our choir in one word?
Hmmnnn?
Ano ang pinakagusto mong marating ng mga choirs natin?
I want them to be good as the Madrigal Singers.
Madrigal!?…Sa tingin mo kaya ba itong maabot?
This dream can be reached if all member choirs and each individual members unite their hearts and boost their determination.
Sino si Arnold sa labas ng Simbahan? I mean, anong pinagkakaabalahan mo sa buhay-buhay?
I am a music teacher at Saint Andrew's school in paraٌaque, grade school department and during weekends I’m still rendering music at weddings.
How's lovelife?
Lovelife...so very happy.
Saan mo nga pala gustong makasal?
Kung ikakasal ako syempre dun na sa isa sa nagbigay ng chance sa'kin na ma-enhance ko ang aking musical talent - sa Manila Cathedral.
Who'll be the officiating priest?
Still not thinking of the priest to officiate.
Your father, Mang Tilo, is an electrician and Tita Oying, your mother, is a Catechist? Kanino ka ba nagmana sa palagay mo?
Di ko masabi kung kanino, maybe both.. I'm a graduate of electrical engineering and i'm spreading God's word through music.
What's your biggest frustration?
My biggest frustration is not planning my life well during my early age.
Sa mga organista natin, si Tita Baby or Mommy Lita?
No Comment...
Sino sa 2 kilalang Liturgical composers ang pinakagusto mo: Padre Hontiveros or Padre Francisco?
They both came from Jesuits Community. Some of Fr. Honti's works are good and also Fr. Manoling. Both of them will do.
Kung magkakaroon ng ruling na 3 organizations lang ang pwede mong salihan, anu-ano ang mga iyon?
Choir, Altar server and Charismatic group.
Thank you, Arnold and Happy, Happy Birthday from your Anluwage family !

Si Champ, ang secret code sa kanya ng Kumareng Berna ko noong crew pa sila sa Jollibee, ay kababata ko since bata pa kami. Section 1 yan sa Lakandula Elementary School samantalang kami ni Pareng Art Reyes ay nasa Section 2. Mas matalino siya kesa sa amin? Hindi! Mahilig lang siyang mag-recite.
Sa ngayon ay milya-milya na ang layo niya sa amin. May sarili nang web site hosting business ang dati’y kabatukan lang namin sa Knights of the Altar. Medyo baog nga lang ang kumpare ko dahil 3 pa lang ang kanyang anak.
Trivia: Ayon sa kanyang nanay, si Sis. Lynda Matias, si Arnel ay bumabahing imbes na umiiyak noong siya ay iniluluwal. Iyon na kaya ang palatandaan?

Maraming salamat. Hanggang sa susunod na issue….Teka, si Ate Raqs nga pala. Birthday din nga pala ni Ate Raquel. Raquel Gallego, ang pinakamalupit na Production Manager ng Tanghalang Anluwage. Ito yata ang ika-5 miyembro ng Charmed. Ang galing mag-magic.
Mantakin n’yo, noong ginagawa namin ang June at Johnny at Ang Bagong Dating ay wala kaming pondo ni singkong-butas. As in talagang zero. Bokya. Subalit after the production ay na-realized namin na mahigit P15,000 ang nagastos namin. Saang kamay ni Lapu-lapu nanggaling ang perang iyon.
Sipag, tiyaga at Raquel. Happy birthday, Ate Raqs!!!