Peksman!
Super-bagyo kasi ang pinagdadaanan ko sa buhay lately. Signal no.3. But still, eto pa rin ako at nakatayo. Ang sikreto?
Mateo 16:13-20. 'Yung tungkol sa makulit na Kananea?
To the max ang pasasalamat ko sa Diyos dahil lagi Niyang pinakikinggan ang pangungulit ko. Subalit lagi na lang nakakaintriga ang mga sagot Niya sa akin. Last week talagang low batt ako. Kung maaari lang ay ayaw kong mag-function. Ngunit tinatagan ko ang sarili ko dahil nataon naman ang Gospel last Sunday - ang babaeng nangulit ng nangulit kay Jesus upang pagalingin ang kanyang anak.
Sa kakulitan ng babae, pinagbigyan ni Jesus ang kanyang kahilingan.
Ako man ay nangulit din nang nangulit sa Kanya last week. Kinulit ko Siya ng kinulit dahil kailangang-kailangan ko ng “isda.” Mahabagin at mapagmahal ang Diyos subalit mahiwaga. Alam n’yo kung ano ang ibinigay Niya sa akin?
LAMBAT.
Anyway, balik trabaho tayo. As if we have a choice. Napakahalaga ang tagay natin this week. It's a matter of national security.
Birthday ni FEYS.
From the root word ENRIQUE, EricK, with a capital K, ang patron ng mga kabataan, dakilang kaibigan at Kura-Paroko.
At kung anu-ano pang K.
First time kong na-meet ang mamang ito sa kauna-unahang pagmimisa niya sa kanyang high school alma mater - ang Torres. Alas-7 ng umaga iyon subalit dumadagundong sa halakhakan ng mga guro at estudyante ang buong quadrangle ng Torres. Ibang klaseng pari ito.

Iba ang kanyang style. Iba ang kanyang korte.
Sa kanyang pagninilay diumano, tinatanong daw niya ang kanyang sarili kung bakit kailangan pa tayong mag-aral ng Wikang Filipino. Ito naman daw ang ating sariling wika.
Sa atin daw bang praktikal na pamumuhay ay itatanong pa sa atin ng ating mga nanay kung alin ang simuno at alin ang panaguri sa bawat pangungusap na ating bibigkasin.
Tunay na matalino raw ang Diyos. Alam daw ng Panginoon kung paano at saan dapat ilagay ang iba't ibang bahagi ng ating katawan.
Kung ang ating ilong daw ay pabaligtad ang kabit, ang butas ay ang nasa itaas, tiyak lunod tayo kapag umulan at wala kang dalang payong.
Na kung ang mga "totoy" daw ng mga lalake ay sa noo inilagay, siguradong madadapa kami dahil di namin makikita ang aming daraanan.
Kailangan pang itaas.

Di ba ang galing?
Si FEYS, Father Erick Y. Santos, scientific name: rodericksis paulatesis (joke lang po!), ay certified Batang Tundo. Lumaki, nagkaisip at umibig sa Manuguit. Laki sa hirap tulad ng marami sa atin kaya alam niya ang pasikut-sikot ng buhay.
Naranasan niyang mag-almusal ng keso na sing-nipis ng blade na nakapalaman sa 2 pandesal.
Katapatan. Siya na po yata ang pinaka-sincere na taong nakilala ko. Walang pretentions sa katawan. Hindi plastik.
Kaya nga halos sarado na ang 4 na Friendster accounts niya sa dami ng nag-uunahang makipagkaibigan sa kanya.
Minsan nga daw, sabi ng isa niyang parishioner sa Tonsuya, Malabon, habang nagsi-sermon ito at gamit ang kanyang wireless microphone ay nakarating ito hanggang sa labas ng simbahan at in-interview pati sorbetero.
Down to earth, di ba?

From Espie, napulot ko sa Friendster ni Father:
Hi Father Erick! He is our first parish priest in San Antonio, ang mga taga malabon sobrang love sya, kaya nung napalitan cia halos mag iyakan ang mga taga Malabon. I'm one of the member of choir in San Antonio LK Choir (Lingkod Kapwa) and wish ko lang po na hindi nyo pa ko nakakalimutan. I can never forget this priest..pano ko ba makakalimutan eh cia po ang nagkasal sa amin as in special request ko pa po un. Si father kc kpag nag-mass hindi ka aantukin, tatawa ka pa ng tatawa, that's why all my guest in my wed asking abt him, he's good daw kc and full of sense of humor. Father, sana magmass po ulit kayo sa San Antonio, miss ka na nmin dun eh. Regards to Tatay po. God Bless!
Pati taga-ibang Diocese gusto siyang ipirata:
oOoChOiChOioOo : ahhhhh si father erick santos ang pinakamagaling na emcee na nakilala ko.....kasi ang galing nya sobra di ma mapapagkaalaman na Pari xa.....nakita ko xa noong PONDO NG PINOY ang galing nya mas lalo na siguro pag
kasama mo cya in person......tga diocese of san pablo ako padre pero ang bait nyo tlga.......sana po keep serving the lord in your own very special way saka good luck sa career nio mas lalo na sa inyo na SIX PRIEST IN THE CITY good luck po......GOD
BLESS..........saka sana dito na lang kau pari sa diocese namin hehehehehehehe.
O, di na sa akin galing iyan, ha? Self-explanatory na 'yan.
Mga youth, bilang debosyon sa ating patron ( excuse po, San Aloysius Gonzaga ), basahin uli natin ang EYEBALL: SI PARING ERICK NG TUNDO upang makilala pa natin siya ng lubos.
Fr. Erick, sa ngalan po ng Tanghalang Anluwage, Inc. at ng buong pamayanan ng Gagalangin, kami po ay lubos na bumabati sa inyo ng advance Merry Christmas and a
No comments:
Post a Comment