Powered by Blogger.

Thursday, August 04, 2005

MABUHAY, GARCI!


Agosto. Buwan ng Wikang Filipino. Ang hindi raw marunong magmahal sa sariling wika ay……..NGONGO!

Ang ngorni no?



***



Hindi ako sure na, pero palagay ko tayo lang ang bansang nagdiriwang ng Buwan ng Wika, na dating kilalang Linggo ng Wika, upang bigyang diin ang pagmamahal sa sariling wika.

Talagang utak-imported pa rin tayo.


***


Ang pagmamahal sa wikang Filipino ay dapat sana nagsisimula sa Pangulo ng ating Republika…….. Hello, Garci!

Ang hello ay salitang Ingles. Pwede namang Mabuhay, Garci! O kaya, Kumusta, Garci? ‘Di ba?


***






Karamihan ng talumpati ni PGMA, lalong-lalo na ang State of the Nation, gayundin ng iba pang lider ng ating bansa ay binibigkas sa wikang Ingles. Nagpupumilit mag-Ingles kahit mali-mali ang diction at grammar.

Di ba, Mister Ispeker?


***


Kanino ba sila nakikipag-usap, sa dayuhan? Naman! Higit kaninuman, tayo munang bansa ang dapat nagkakaintindihan. Tayo muna ang mag-usap-usap. Aminin natin na karamihan ng Pinoy ay nakakaintindi ng Ingles.

Pero hanggang “What is your name?” at “How old are you?” lang.


***


Karamihan sa atin ay marunong ng Ingles subalit hindi nakakaunawa. ‘yung tipong “ah basta, yun na yon..”

Sample: Ano ang hysterical? Hysterical. Ah basta, alam ko yon. Yun na yon!


***


Hindi masama ang mag- Ingles, lalo na ngayong palakas ng palakas ang globalisasayon ngunit malaking bentahe rin kung mayroon tayong malakas na wika na pwede nating gawing secret code laban sa mga dayuhan. Kung panay Ingles tayo, ultimo kaliit-liitang sikreto natin alam nila.

Alam ba nila ang salitang palpak?


***


At kung gagamit din lang tayo ng Ingles, siguraduhin nating tama. Kesa magmukha kang TH2 o Tanga na Hunghang pa at Trying Hard.


***


Isang Briton ang minsan ay sumulat sa Inquirer some years back, tungkol sa kanyang masasayang karanasan sa Pilipinas. Isa sa di niya umano malilimutan ay nang minsang pumasyal siya sa Cebu. Halos malaglag daw ang kanyang panga sa isang karatulang nakapaskil sa gate ng isang bahay:

OWNER FOR SALE!


***


FEEDBACK : From Arnold Vidar, " would like to correct something regarding MOKONG's article dated july 21, 05, entitled "Si Jun-jun at mga katekista. There is a part there stating that " ipinatigil na yata ng ating Kura ang Second Collection na nabanggit" Bro, it is not the Kura who abolished the 2nd collection rather it is our beloved Cardinal Sin who gave orders to stop it. Anyway, thanks for that article let us pray that there are kind hearted readers who will donate for the CATECHETICAL FUND...God Bless us all... ciao c,")"

***

Pasensiya na po, tao lang!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP