Powered by Blogger.

Thursday, October 27, 2005

"Elders Are Good But We Need Youth."

Teenager na palang maituturing ang Tanghalang Anluwage, Inc. Imagine, parang kailan lang iyong October 6, 1991. Fourteen years na pala ang nagdaan.

Purihin ang Dakilang Diyos, ang bukal ng karunungan at habag!



***



Di ko maiwasang mangiti tuwing nakikita ko ang mga lumang pictures ng aming grupo, lalong-lalo na iyong mga lumang-luma na. Tingnan ninyo ang mga larawang naglipana dito sa aking pitak at sa iba pang bahagi ng ANLUWAGE.COM.



Mga virgin pa kami niyan.

***


Ang picture na ito ay kuha sa blessing ng aming headquarters – ang Sentrong Pangkabataan, na iniregalo ni Fr. Mar Enriquez. May hang-over pa kami nito sa success ng aming launching vehicle na “Isang Dosena, Ang Simula.” Panauhing-pandangal namin sina Fr. Mar, siyempre, Congressman Jim Lopez at Councilor Jhun Concepcion, na walang sawang tumutulong sa aming mga projects.


Purihin ang Dakilang Ama, ang ating sandigan at lakas!



***





Pasensiya na kung puro muta pa kami sa picture. Sukdulang napakaaga kasi ng event na iyan. Tulog pa halos ang mga anghel…. Ang papayat pa namin. Para kaming mga dugyut.



At least korteng-tao pa rin kami.




***





Kung napansin ninyo ang malalaking letra na nasa itaas na bahagi ng aming dingding, iyan ang aming battle cry:



ELDERS ARE GOOD BUT WE NEED YOUTH!




***





Nag-react si Councilor Jhun sa slogan na iyon, “Mga damuho! Tatanda rin kayo…”



He-he-he!




***





Tama ka, Konsehal Jhun! Tumanda na nga kami subalit hindi pa rin nagbabago ang paniniwala namin sa mga katagang iyon.



Tagay pa!




***





Rewind tayo sa October 6, 1991. ISANG DOSENA, ANG SIMULA. Sa araw na ito, pormal at opisyal na itinatag ni Rev. Fr. Mario David Enriquez ang Tanghalang Anluwage, sa isang pagtitipon na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ng Pastoral Council, mga piling-panauhin mula sa komunidad, at ang aming mga magulang.



Isama mo na pati the bishops and the clergy at members of the diplomatic corps(e).




***





Hindi ko pwedeng makalimutan ang ginamit naming “invocation” noon na pinamunuan ng isang opisyal ng Catholic Youth Organization, si Sis. Lotlot Aquino. Ito ay ang “Panalangin ng Isang Baliw.”



Sabi ng isang linya sa prayer: “Kung ang mahalin ka, Panginoon, ay kabaliwan, kaysarap palang maging baliw…”



Karek! May tama ka!




***





Ipinagmayabang namin sa naturang pagkakataon ang galing ng 12 aktor at aktres, 6 each, na natuklasan ng Anluwage mula sa iba’t ibang youth organizations ng Saint Joseph:



(According to age)

1. Richard Leyson

2. Arnel Matias

3. Arnold Vidar

4. Arnold Manio

5. Ronald Martin

6. Raymund Navizaga

7. Anabelle Flores, (este Payod pala)

8. Alpha Sapitula

9. Margarita Quinio

10. Hilda dela Cruz

11. Pauleen Bunggay

12. Lani Licerio





***





Mga piling eksena o excerpts mula sa 4 na premyadong dula ang aming pinaglaruan (play) ng gabing iyon: Paraisong Parisukat, Sinag sa Karimlan, Sino Ba Kayo at Bongbong at Kris.



Sa direksiyon ng una at nag-iisang artistic director ng grupo, si Jonathan de La Llana.




***





Maraming salamat sa mga youth groups na hindi nangiming magpahiram sa amin ng kanilang mga miyembro: Knights of the Altar, Legion of Mary, AP Youth, Catholic Youth Movement, at Jolly Rosary Crusade.



Sorry kung nakalimutan na naming isoli ‘yung iba.




***





This is so strange. Alam ba ninyo na ang numero-unong kontrabida ng Anluwage noon ay si Manong Pietro Albano, na siyang president ng AP Youth ng mga panahong iyon? Lagi kasing conflict ang mga rehearsal schedules ng Anluwage sa mga activities ng AP Youth, kaya tuloy laging nasasabon sina Jonathan, Pauleen at Ronald. Idagdag pa ang production staff na sina Allan Dabu at Elisa Dayao, na pawang mga kasapi ng nabanggit na samahan. Pero tingnan n’yo naman, napaka-aktibo ni Manong Piets sa Anluwage ngayon.



God works in mysterious way.




***





A week after, lumabas naman sa circulation ang ANG PAHAYAGANG ANLUWAGE, namatay na kakambal ng Tanghalang Anluwage. Ito ang official newsletter ng St. Joseph de Gagalangin Parish, ayon na rin sa pirmadong deklarasyon ni Fr. Mar, dated October 6, 1991.



Take note, OFFICIAL. Wala lang.




***





Unconventional ang ginamit naming approach sa nabanggit na newsletter, (sumalangit nawa). Ito ay masaya, puno ng mga balita, opinyon at religious articles. Kakaiba sa newsletter ng ibang parokya sapagkat ito ay matapang, walang sinasanto. Kahit sino pinipitik kung may dapat pitikin. Bawal ang “praise release.”



Kaya nga maagang namatay eh. Or should I say pinatay?




***







Magri-rent ka ba ng movie this week? Arkilahin mo rin ang THE AMERICAN PRESIDENT, starring Michael Douglas at Annette Bening. Siguradong mag-i-enjoy ka.



Bakit? Basta panoorin mo na lang. Ang dami pang tanong eh!




***





For comments, pls email tanggero@catholic.org.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP