Ano kaya ang nakain ni Chairman at mukhang hindi siya natunawan?
Patawarin ako ng People's sa pag-post ko rito ng ilang bahagi ng UNCENSORED column ni Tito Manoling subalit interesado ako sa magiging reaksiyon ng mga Gagalangineno. Narito si Chairman:
"To the CBCP: Please po, pagbawalan ninyong sumali sa mga rallies ang mga militant bishops, priests and nuns nang nakasuot ng sutana at abito para huwag namang mag-alangan ang mga bumbero na bombahin sila ng tubig. Not even Roman collars, please. Ang mga militant bishops at pari ay pagbahagin ninyo at ang mga madre naman ay pagsuutin ninyo ng bikini para handa silang mabomba ng water hose at mabasa. Tutal pag nabasa na ang mga madreng naka-abito, nagmamarka na rin naman ang mga breasts nila pag basang-basa na sila. This is scandalous. Don't they even realize it? O sinasadya ba nilang ipakita ang mga breasts nila by Vicky Belo?

'Yan ba ang gusto ninyo, mga bishops, pari at madre na sumisigaw na pare-pareho lang ang ating mga karapatan?
Huwag na tayong magbigay ng pera sa simbahan at idiretso na lang natin sa mga mahihirap. Mas magugustuhan ng Diyos na gawin natin 'yan.
Bakit natin padadaanin pa sa makikinis na mga daliri ng militant bishops, priests and nuns? Baka mabawasan pa, di ba?
Mag-isip na rin kayong mga Born Again at kung anu-ano pang samahan na nangungulekta ng pera sa inyo.
Kung ang kapwa sa kapwa ang magtutulungan, this country will be a much better place to live in.
Magbibigay kayo, sila naman ang yumayaman at kayo ang naghihirap. Si Hesukristo, never nanghingi ng kuwarta sa mga Kristiyanong sumunod sa kanya.
Sinu-sino ang pinayaman ninyo at nasaan kayo ngayon?
Sa nakita ko sa "prayer rally" nina Labayen, Iniguez at Tobias, di na ako magbibigay sa mga militant bishops, priests and nuns ng pera. Susuriin ko nang mabuti kung sinu-sino sa kanila ang tutulungan ko.
Ganyan na rin ang gawin ninyo. Sa kabibigay ninyo, nasa mansion na sila habang kayo'y nasa mga kubo pa. At pag ito'y ipagpatuloy ninyo, ni pagkain sa inyong pamilya di na ninyo maibibigay.
Hindi sinabi ni Hesukristo na pag kayo'y tumulong, it will come back ten-fold. Depende kung kanino ninyo ibinibigay ang pera.
Ang ibig sabihin ni Hesukristo, pag tumulong kayo sa mahihirap, gagantihan Niya kayo ng suwerte. Pero hindi sinabi na tumulong kayo sa nanloloko sa inyo. Ilagay ninyo sa lugar.
Bakit, kapag hingian ko ba kayo ng pera para ikayaman ko, susuwertehin ba kayo?
Pero kapag sa isang mahirap kayo tumulong, talagang susuwertehin kayo."
Anong masasabi ninyo? Email me: tanggero@catholic.org
REACTION TIME: From Hidalgo del Arrabal "Grabe naman si Manoling Morato - I never realised how he has transformed from being a gentleman to being a brute. He should never have said those words against the militant bishops, priests, and nuns. We are in a democratic country and everyone is free to express himself, but we must never run out of respect for others participating in rallies and other similar events.
His arguments were a big turn-off especially when he exhorted people not to donate to these militant bishops, priests, and nuns. As Christians - and he's one of that I suppose - we have that duty to support the Church. Now if churchmen would dip their fingers into the coffers, then they are answerable to God. End of story."
From CHAMPOLA Nagso-sour graping lang yang si Morato kse binanatan ng mga bishops ang kanyang mga pasugalan sa PCSO noon. Hinde na pinapansin ang ganyang klaseng mga tao."
From RIC of Solis, "...Nag-uulyanin na si Morato. Pede na siyang mag-retire. He-he-he!"
No comments:
Post a Comment