Powered by Blogger.

Thursday, October 19, 2006

Asteroid 2002 NT7

Eto na naman siya. Ayaw akong tantanan ng pabalik-balik na email na ito na mula sa iba't ibang tao na nagsasabing katapusan na raw ng mundo sa February 1, 2019.

Sandamakmak kayong mga TANGA!...Kasing tanga ng mga naniniwalang magsasara ang Friendster kung di ninyo ipu-forward ang message ni Mr. Allen Smith sa mga fwends ninyo.

TANGA!

***


Ang tinutukoy ng email ay tungkol sa Asteroid 2002 NT7 na hinuhulaan umano ng mga scientists na babangga sa inyong Planet Earth sa nasabing petsa. Ang asteroid na ang laki daw ay mahigit sa 2 kilometro ay katulad ng lumipol sa mga dinosaurs millions of years agos.

I'm scared!

***


Bakit hindi? Paano kung totoo nga? Anong mabuting gawin? Araw-araw na akong pupunta sa Adoration Chapel para magdasal? Mag-iipon na ako ng maraming load? Maghuhukay ba ako ng matitirahan sa ilalim ng lupa?

Anong gagawin ko?

***


Gusto ko nga palang pasalamatan ang kumpareng Art Reyes ko, isa sa mga haligi, pader at pundasyon ng Anluwage, dahil ang aking munting tula noong nakaraang tagay natin ay isa nang ganap na awit. I repeat, isa ng AWIT ang TULOY PA RIN.

Sa wakas, songwriter na si Mokong. Come on!

***


Inayos ni Pareng Art ang ilan sa mga letra nito at nilapatan ng angkop na musika kaya ito ay isa ng song. Hindi ko pa ito naririnig subalit sigurado akong maganda ito dahil alam naman ng lahat ng Anluwage ang kalibre ni Pareng Art pagdating sa songwriting.

Abangan ninyo sa Anluwage Reunion sa December - kakantahin ito ni Pareng Art.

***


Bigla ko tuloy naalala yung ilang Anluwage bonding sessions. Wala lang. Pag nakakita ng gitara at Rejoice songhits, ayan, kantahan na. Cover to cover, walang palalampasin na kanta.

Ulitin natin sa reunion, ha?

***


Mabalik ako sa Asteroid 2002 NT7, ito ay natuklasan ng Linear Observatory's sa New Mexico, USA. Alam ba ninyong halos ibasura na ng NASA ang posibilidad ng banggaan na ito? 1 is to 40 million ang chance nito. Kaya no need to worry.

Relaks, nood na lang kayo ng TXT.

***


Nga pala, di pa inaalis ng NASA ang posibilidad ng banggaan sa February 1, 2060. Buhay pa kaya tayo noon? Just in case buhay pa tayo by that time, may suggestion ako.

Sa January 31, 2060 na lang ninyo i-celebrate ang Valentine's Day para walang hassle.

***


Uy, sabi ng mga Israeli researchers na hereditary o namamana daw ang ating facial expressions. Ibig sabihin hindi lang natin ito nakokopya sa ating mga kamag-anak kundi talagang nasa lahi. 21 bulag mula pagkasilang kasama ang kanilang mga kamag-anak ang isinailalim sa pag-aaral ng mga researchers. Kinunan sila ng video habang binabasahan ng mga kwentong nakakatawa, nakakatakot, nakakalungkot at nakakadiri.

Sa pamamagitan sopistikadong computer, in-analyze nila ang mga reactions ng mukha ng magkakamag-anak. Halos magkaparehong-magkapareho raw ang reaction ng mga mukha nito kahit pa sabihing bulag ang kaparehang kamag-anak.

***


Kung tatanungin ako na kung talagang di maiiwasan ang collision ng Earth at ng asteroid na ito, saan ko gugustuhin ito bumangga:

Sa dressing room ng Wowowee. (joke, joke, joke!)

***


QUOTE-kutin: “The cemetery of the victims of human cruelty in our century is extended to include yet another vast cemetery, that of the unborn. ”


- John Paul II




***


MOST DIFFICULT QUIZ: Paki-try kung kaya pa ninyong sagutan ang pinakamahirap na quiz sa buong mundo:

1) How long did the Hundred Years War last?

2) Which country makes Panama hats?

3) From which animal do we get catgut?

4) In which month do Russians celebrate the October Revolution?

5) What is a camel's hair brush made of?

6) The Canary Islands in the Pacific are named after what
animal?

7) What was King George VI's first name?

8) What color is a purple finch?

9) Where are Chinese gooseberries from?

10) How long did the Thirty Years War last?

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP