Powered by Blogger.

Thursday, November 23, 2006

Nag-isang Ikaw

Si Fernando Poe, Jr ay hari daw ng pelikulang Pilipino. Tinatawag pa nga natin siyang Da King. Si Elvis Presley naman ay hari ng Rock & Roll. Si Asyong Salonga ang hari ng Tundo. Si Dolphy ang nag-iisang Comedy King.

Si Berwin Meiley ang hari ng sablay.


***


Marami tayong hari sa ating buhay. Idagdag pa natin ang mga naging hari ng iba't ibang bansa noon, tulad ng England, Spain, Portugal at iba pa. Pero nasaan na ba sila ngayon?

Lahat sila ay mga nag-evaporate na, maliban sina Pidol At Berwin.


***


Subalit ang career ng Hari ng mga Quizons ay hindi na rin mainit ngayon kumpara noong kanyang kapanahunan. Samantalang this hari ng sablay thing eh pupugak-pugak pa rin ang stardom, as of this writing.


***


I therefore conclude na walang staying power ang mga Majesties na ito dahil nagsikupas ang kanilang mga korona. Ngunit mayroon akong kilalang hari na hanggang sa ngayon ay makislap ang korona.

Sino? PLease scroll down.


***


Clue no. 1: Kakaiba ang hari na ito. Siya ang naglingkod imbes na siya ang paglingkuran.

Clue no. 2: Magaling siyang gumawa ng alak. Napalakad niya ang mga lumpo, napagsalita ang mga pipi, nakakita ang mga bulag at binigyang pandinig ang mga bingi.
Ang alin?

ANG MGA BINGI!


***


Clue no. 3: Hindi pangkaraniwan ang kanyang trono - 2 kahoy na pinag-ekis at ang kanyang naging higaan ay mga dayami.

Clue no. 4: Pero kaya niya tayong bigyan ng buhay na walang hanggan. Namatay siya subalit nabuhay uli makaraan ang 3 araw. Ito ay upang akuin ang ating mga kasalanan. Kung ibang hari lang siya, malamang tayo pa ang mabitay.

Clue no. 5: Ang kanyang pagkahari ay walang limitasyon. Siya lang ang hari ngayon, bukas at magpakailanman.


***


Last clue : JC ang kanyang initials. Gets n'yo na?


***


Ilang gising na lang pala at Anluwage Holiday na. Magkakasama-sama na naman muli ang makukulit pero matitinik na mga anluwagers upang i-renew ang kanilang 15-years old friendship. Naks naman.


***


Isa sa mga highlights ng Anluwage Holiday na ito ay ang "degrading," "embarassing," at "nightmarish" na video presentation kung saan ipakikita ang mga lumang footages ng mga nakaraang productions at moments ng grupo.

Naloko na, mabibisto na naman ang fashion taste at sari-saring hairstyles ng mga members.


***


Narito ang rushes ng ilan sa mga eksenang tinutukoy ko. Launching presentation of Tanghalang Anluwage, October 6, 1991, mga 7PM, courtesy of Anluwage Archives:





***


QUOTE-kutin: “I've noticed that everybody that is for abortion has already been born."



- Ronald Reagan


No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP