Powered by Blogger.

Thursday, October 05, 2006

Tuloy Pa rin!

Hindi kaya dumating ang time na maging sa mga simbahan ay maghigpit na rin ang security? Hassle yata kung sa mga pintuan ng simbahan ay magkakaroon ng x-ray machines at bag inspection.

Susmaryosep!


***


Ayokong magtunog George Bush subalit hindi malayong mangyari ito. Earth is no longer safe to live on. Walang masama sa pag-iingat. Mabuti ng maging bukas at handa tayo sa anumang panganib.

In the name of the Father...



***


15th Anniversary naman ng Tanghalang Anluwage, kaya payagan na ninyo akong tumula. Maiksi lang ito.


***


TULOY PA RIN

Harangan man ng karagatan
O ng libu-libong kabundukan
Sigurado mo pa rin babalikan
Samahang 'yong pinagmulan

Sa Tanghalan, oo naman
Sa Anluwage, kailan pa man
Tuloy pa rin ang pagkakaibigan
Tuloy pa rin, peksman
Walang iwanan

Harangan man ng sinuman
O ng libu-libong kasinungalingan
Siguradong di mo pa rin pababayaan
Samahang si Kristo ang sandigan

Sa Tanghalan, oo naman
Sa Anluwage, kailan pa man
Tuloy pa rin ang pagkakaibigan
Tuloy pa rin, peksman
Walang iwanan

Bow!

***



QUOTE-kutin: “I'm against ABORTION because I was once a fetus.”


- anonymous




***


Health Advisory: I Don’t Have To Be Dead To Donate My Organ. Email me. He-he-he!

4 comments:

Anonymous said...

cool!

Anonymous said...

tango-yankee...

Anonymous said...

nice one!!!!!

Anonymous said...

tnx, bot! paramihan kaya tayo ng mga naging crush sa anluwage? manalo ka kaya sa akin, ha?...pero kung paramihan ng naging gf sa anluwage, siguradong talo ako sa'yo.

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP