Powered by Blogger.

Friday, March 09, 2007

Out of Court Settlement

Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagtitika at pagbabalik-loob sa Diyos.

At out of court settlement.

***


Kailangan natin humingi ng tawad sa Diyos at sa mga "pinagkakautangan" natin bago pa man tayo makarating sa "Dakilang Korte" upang hatulan.

I rest my case, your honor!

***


Malayo pa man ang campaign period para sa local level ang dudumi na ng mga pader at poste sa paligid dahil sa mga posters ng mga pulitiko. Ito ay tahasang paglabag sa batas sapagkat hindi pa nga panahon ng kampanya. Kahit panahon pa ng kampanya, may mga itinakdang common poster areas ang COMELEC kung saan doon lamang nararapat ang mga campaign paraphernalias.

Kailangan pa bang i-memorize yan?

***


Palusot pa ang mga kamote. Wala naman daw nakalagay na VOTE FOR o IBOTO SI....kundi mga pagbati lang at kung anu-anong ek-ek.

Kausapin ninyo ingrown n'yo!

***


Ngayon pa lang ay nakikita na natin kung anong uri ng mga pulitiko itong mga taong ito - mga mapagsamantala at mapagpalusot. Dapat pa bang makatikim ng boto ang mga ito?

HINDEEEEEEEEEEE!

***


Ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa mga pader na ipinagagawa ni Manila Vice Mayor Danny Lacuna na "Hinog na hinog na!!!"....

Mangga? Nya-ha-ha!

***


Bakit nagkalat ang mga picture-picture ni re-electionist Councilor Abel Viceo sa mga lansangan ng Ikalawang Distrito ng Maynila at may mga nakasulat na Serbisyong Totoo. In fairness, guwapo at batambata siya sa litrato. Anong masasabi ko?

SALAMAT, PHOTOSHOP Version 6!

***


Isa sa mga highlight ng programa ni Mayor Lito Atienza ay pagpapaganda sa Maynila. Ganda di ba? Paano ito ginawa ni Mayor?

Eh di pinuno niya ng litrato niya at ng kanyang anak na si Ali ang paligid ng Maynila.

***


Iba naman ang gimik ni Baranggay 166 Chair Ramon Robles. Hindi ko alam kung bakit kali-kaliwa ang mga nakasabit na sako sa paligid ng District 2 na may tatak na KAPAMILYA NA, KAPUSO PA - RAMON ROBLES....

Who cares?

***


Pero maganda itong proyekto ni Chairman Robles na libreng aerobics tuwing umaga diyan sa General Lucban Street. Marami ang naeengganyong mag-ehersisyo lalo na ang mga kababaihan.

Wala nga lang sana itong bahid pulitika.

***


Masaya at maraming eskuwelahan dito sa Gagalangin. Pero masaya rin kayang masasabi na 5 doble ng bilang ng mga eskuwelahan ang dami ng mga internet cafes cum gaming station sa paligid.

Wala pang alas-8 ng umaga ay punumpuno na ng mga estudyante ang mga establishments na ito. Nag-i-internet ba?

Hindi! Naggi-games!

***


Sino ba ang responsable rito? Ang Pulis? Di ba may tamang distansiyang itinaktakda ang batas para sa ganitong uri ng mga negosyo?

Mga magulang? Dapat alam nila kung saan nagsusuot ang kanilang mga anak.

O ang mga internet cafes mismo? Dapat hindi gahaman sa kita. Kailangan may self-regulations.

***


For comments and violent reactions, e-mail tanggero@catholic.org.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP