Powered by Blogger.

Thursday, September 06, 2007

Wala Kayo Sa Lolo Ko


Pasintabi sa mga lolo ninyo, pero para sa akin ang Lolo Milio ko ang pinaka da best lolo in the whole wide world.

***


Kaya nga hirap na hirap ako to let him go. Sa pamilya namin, ako ang huling tumanggap na kailangan na niya talaga kaming iwan. Oo nga't 88 years old na siya pero para sa akin it's still early. Marami pa akong gustong ipadama sa kanya, mga kasaganahan sana na hindi niya naranasan sa tanang buhay niya subalit kinapos na ako ng oras.

Tay, ba't ka naman nagmadali?

***


Ang galing kong magbigay ng advice sa mga kaibigan na may mahal sa buhay na malapit nang yumao o kayayao pa lamang. Ang daling sabihin na "Mapayapa na siya," "Nagpapahinga na siya," "Kasama na siya ni Lord," na "Lumipat lang siya sa kabilang buhay" subalit kapag ikaw na pala mismo ang mawawalan o nawalan lubhang napakahirap intindihin ang mga salitang ito. Talaga palang posible na kwestyunin mo ang Panginoon.

***


Pero na-realize ko later on na masyado pala akong self-fish. Ayaw kong bitiwan ang lolo ko kahit pa alam na alam kong nahihirapan na siya sa kanyang kalagayan. Basta, ang hirap! Maniwala kayo, ang hirap! Kailangan mo talaga ng matatag na pagtitiwala sa Diyos.

***


Ngayon ay unti-unti ko nang nakukumbinsi ang sarili ko na tanggapin na talagang nagpauna na ang mahal kong Lolo. Iisipin ko na lang na walang muling pagkabuhay kung wala ang kamatayan. Please pray for me.

Please pray for the soul of my beloved Lolo.

***


Tay, ang daya-daya mo. Hindi mo na hinintay na matupad ko ang mga pangarap ko para sa inyo ng Nanay. Alam kong masaya at payapa ka na sa piling ng ating Mahal na Panginoon. Maraming salamat sa lahat: sa pagmamahal at sa pag-aaruga mo sa amin.

Hanggang sa muling pagkikita!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP