Powered by Blogger.

Saturday, August 04, 2007

Everybody Happy, Di Ba Fr. Rowen?

Bihirang-bihira ako makatanggap ng mga good news lately pero recently may dumating na isa. Matinding-matindi. Isa raw sa pinakamatalik kong kaibigan ay naging ganap nang pari – si Rev. Fr. Rowen Zausa Carlos, CM.

Hanep! Ibang level na ‘to!

***


Siya ay inordinahan noong July 21, 2007 sa San Marcelino Church sa Ermita, Maynila, sa pamamahala ni Bishop Josè Advincula ng Negros Occidental. Sayang at wala ako roon; sana’y nakita ko kung gaano kasaya ang mukha ng aking kaibigan. Sa totoo lang, pakiramdam ko ngayon parang pati ako ay naordinahan dahil sa sobrang tuwa at excitement. Alam ko kasing hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan maabot lamang ang kanyang pangarap na maging alagad ng Diyos.

He made it. Ginusto talaga ni Lord.

***


Sabay kaming pumasok sa Knights of the Altar noong 1984 at dito nabuo ang aming pagkakaibigan. Sa halos araw-araw na kami ay nagkasama ay hindi nalihim sa akin ang kanyang pagnanais na maging pari. Hindi ko alam kung kailan niya naramdaman eksakto ang kanyang calling pero talagang napaka-relihiyosong tao ito.

It runs in the family.

***


Subalit sa simula’t simula pa lamang ay alam na namin na hindi patag ang kanyang daraanan. Napakaraming tinik. Akala ko nga ay talagang hindi na siya matutuloy sa kanyang bokasyon. Isa sa kanyang naging major concerns ay ang pagbalanse sa kanyang responsibilidad sa pamilya at sa pagnanais na maging pari.

Ikaw kaya ang malagay sa ganoong sitwasyon, ano kaya ang gagawin mo?

***


Correct me, Fr. Rowen, if I am wrong, pero hindi lang isang beses ka lumabas ng seminaryo dahil kinailangan ka ng iyong pamilya. Dumating pa nga sa punto na nag-seaman ka muna di ba? Tanda ko huli tayong nagkita ay isang araw bago ka tumulak patungong Italy.

Grabe talaga manubok si Lord ‘no?

***


Ngunit sa kagaya niyang may malalim na pananalig, siguradong nanghingi siya ng wisdom at strength sa Panginoon upang magawa niya ang tamang desisyon. Kaya nga ang kanyang ginawa: tinugunan ang pangangailangan ng kanyang mag-anak at saka ipinagpatuloy ang bokasyon.

Everybody happy. ( Pati kaya yung mga ex-gf ? He-he-he! )

***


Congrats, Padre! We are praying for you and your ministry. We know that there are still rough roads ahead.

Just read the road signs carefully.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP