Powered by Blogger.

Thursday, July 26, 2007

No Smoking

Dapat nating seryosohin ang kampanya ng Department of Health at ng mga duktor laban sa paninigarilyo. Mantakin n'yo, pati mga duktor ay nananawagan na upang 'wag na tayong magsindi ng yosi. Talagang seryoso na ang isyu. Hindi alintana ng mga duktor na maaaring kumonti ang kanilang pasyente kung mababawasan ang maninigarilyo.

Klap! Klap! Klap!

***


Di ko lang talaga maintindihan ang tigas ng ating mga kukote. Alam naman natin na ang pagsupsop ng sigarilyo ay nagdudulot ng lung cancer, alta presyon, paninilaw ng ngipin, pimples, body odor, at kanser sa bulsa pero talagang napakakulit natin. Napakakulit natin. Napakakulit natin.

Napakakulit natin.

***


Napakakulit natin! Para pa rin tayong mga tambutso na panay ang usok ng bunganga. Hindi na kasi natin ito mapigilan dahil adik na tayo sa nicotine na taglay nito. Di na rin natin namamalayan na sinira na nito ang ating mga ulo. Ano ang mga signs?

Una, pag naniniwala kang mas masarap umebak kung sasabayan mo ng paninigarilyo.

***


Secondly, kapag ikaw ay naniniwala na ang sigarilyo ay da best pagkatapos kumain dahil tumutulong ito sa pagtunaw ng iyong kinain.

Pangatlo, kapag ikaw ay naniniwala na ang isang stick ay nakakabusog, kaya ito ang inaalmusal mo kasabay ng isang tasang kape.

***


Pang-apat, 'pag nag-iipit ka na ng sigarilyo sa magkabilang tenga.

Panlima, 'pag tinitira mo kahit hindi mo brand dahil wala kang pambili.

Pang-anim, 'pag nagdu-drawing ka na ng hugis bilog sa hangin sa pamamagitan ng usok

***


Ilan lang ang mga ito. Marami pa kung tutuusin ang masamang epekto ng yosi sa utak ng tao pero sorry to say hindi na yata ito maiintindihan ng mga adik dito dahil barado na ng usok ang kanilang mga utak.

***


Bad trip lang ako sa lipunan natin. Panay ang sabi ng mga eksperto na talagang nakakaadik ang sigarilyo pero bakit ang shabu at marijuana lang ang ipinagbabawal? Dahil ba sa kawawa naman ang mga tobacco growers ( grawerrrs! ) at mawawalan sila ng hanapbuhay gayundin ang libu-libong takatak boys sa kalsada? Dahil ang mga cigarette manufacturers ay nagbabayad ng malaking tax sa gobyerno?

Grrrrrr!

***


Matagal na sanang tapos ang usaping ito kung seryoso lang talaga tayo. Ipagbawal ang pagtatanim ng tabako gaya ng pagbabawal sa pagtatanim ng marijuana at ikulong ang sinumang mahuhulihang may sigarilyo. Di man ito tuluyang mabura sa lipunan, at least mababawasan ang gagamit nito dahil sa tataas ang presyo nito at patago na ito kung ibebenta.

In your dreams, Mokong!

***


Akala ko siya na ang babaeng ihaharap ko sa altar. Ginawa ko pa ngang desktop background yung picture niya. Kinikiss ko pa nga ito at kinakausap kung minsan. Kaso, isa lang pala siyang malaking pagkakamali.

Goodbye, Angel Locsin!

***


Tandaan ninyo, mga Kapuso, ang pagtanaw ng utang na loob ay walang presyo. Hindi porke't ayaw kang ibili ng iPod ng tatay mo o madalas kang utusang maglinis ng bahay ng nanay mo eh magpapalit ka na ng magulang!

Kung tumatanaw ka ng utang na loob sa iyong tatay, hindi ka pupunta sa kanyang kaaway para magpaampon. Kung masakit sa iyong iwanan ang nanay mo, bakit kailangan mo siyang iwan, eh di ka naman niya pinaaalis?

***


Ang 'di marunong lumingon sa pinanggalingan ay....late na sa school!

***


Happy birthday to our August celebrators:

MY DEAREST LOLO MILIO & Rommel Viray ( 5 )
Ninong Andy ( 26 )
Jenni Bernardo & Rona Sia( 28 )
Arnel Matias & Arnold Vidar ( 29 )
Roxanne Sia ( 31 )

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP