Powered by Blogger.

Saturday, July 14, 2007

iPHONE I Naku!

Dalawang major technological breakthrough in the history of mankind ang inilunsad nitong nakaraang dalawang linggo. Una ay ang Boeing Dreamliner 787 at pangalawa ay ang kinababaliwan ng mga Kano sa ngayon na iPhone.

***


Ipinagyayabang ng Dreamliner na yari sa high-tech plastic at carbon fiber ang malaking bahagi nito kaya higit na magaang kesa sa mga naunang eroplano. Ito rin umano ay kumukunsumo ng 20% less na fuel kaya naman nag-uunahan ang mga airlines sa kanilang pag-order.

***


Sa ngayon, nakatanggap na ang Boeing ng 677 orders mula sa 47 bansa na nagkakahalaga ng $146 to $200 million ang bawat isa. Target ng Boeing na makapag-produce ng 2,000 nito sa loob ng 20 taon.

***


Samantalang ang higanteng US gadget company na Apple ay tinatayang nakapagbenta na ng humigit-kumulang 700,000 na iPhone mula ng ito ay ilabas sa US noong June 29, 2007 lamang.

OMG! Within 2 weeks lang. Ganito ba kalukring ang mga Kano sa cellphone?

***


Ibang klase raw kasi ang iPhone ayon sa media-hype ng Apple. Ito ay iPod music player, mobile telephone, email at internet gadget packed in one. Isa pa raw sa magandang feature nito ay ang napakadaling pagbili ng mga digital music online. Hindi kataka-takang ang mga higanteng network providers ay nagpapakamatay makuha lamang ang exclusive marketing rights nito. Sa US nga, tanging AT&T lamang ang pwedeng magbenta nito.

Locked-in!

***


Pero teka, sa pamamagitan kaya ng higanteng eroplano ay mababawasan na ang ating pagkakawatak-watak? Matatapos kaya ng component cum cellphone ang ating mga miscommunications?

Di rin.

***


Kasi naman, tanging si Jesus lang ang may kakayahang paglapit-lapitin tayo. Tanging si Jesus lang ang susi upang magkaunawaan na tayo.

Amen?

***


Marami ang napalunok sa balitang ibinalik daw ng Santo Papa ang Tridentine Mass o Misang Latin. Totoo ang balitang ito. (Lunok!) Subalit, ngunit, datapuwat ito ay karagdagan lamang sa Misang ginagamit natin sa ngayon.

***


Ibig sabihin, ang Misang Latin ay para lamang sa mga nagnanais nito. Kung may ilang indibidwal na magri-request nito ay maaari nang pagbigyan na hindi na kinakailangan pang humingi ng pahintulot mula sa Vatican o sa mga Obispo.

***


Kaya dapat alamin mo kung magkakaroon ng ganito sa iyong parokya mula Setyembre 14 at kung anong oras para maiwasan mo ito kung hindi mo ito type. Dahil kung hindi, baka isipin mong naliligaw ka ng planeta.

Kyrie eleison! (Lord, have mercy!)

***


Belated happy birthday to our fellow Anluwagers na sina Ate Ana Payod-Balla at Al Francis Reyes!

***


Happy Sacerdotal Jubilee sa ama ng Tanghalang Anluwage, Inc. na si Msgr. Mario D. Enriquez sa July 18.

Mabuhay ka, Monsi!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP