Powered by Blogger.

Friday, July 06, 2007

Mommy Lita Gang

Napanood ko sa isang cable interview nitong Biyernes ng tanghali ang Manila Mayor ng Maynila na si Alkalde Alfredo Lim. May lahi pala siyang Chinese. Naitanong ko rin sa aking sarili, ano kaya yung marka na nasa kanyang kaliwang pisngi?

Is that a nunal or balat or something?

***


What caught my attention about that interview was the eye bag of the anchor. Is that a Dickies ? Samsonite probably, ang laki kasi. Bukod dun, naintriga rin ako sa sagot ni Mayor sa tanong tungkol sa kanyang pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga kalye ng Lungsod.

“Unless ma-repeal ang ordinansa, patuloy natin itong ipatutupad.” Something to this effect.

***


Malumanay ang pagkakabigkas ni Mayor. Parang kulang sa bagsik. Nagbago na ba ng pananaw ng butihing Alkalde tungkol sa paglalashing sa mga open area? Read his lips na ba ito para sa mga city legislators natin? Sinesenyasan na nga ba ni Meyor ang konseho na magpasa ng bagong ordinansa na papayag sa inuman sa kalsada?

At bakit hindi matulog nang maaga ang sinasabi kong news anchor?

***


Dumaraing na raw, ayon sa nasabing broadcaster, ang ilang mga negosyanteng naaapektuhan ng pagbabawal na ito dahil patuloy daw na bumabagsak ang kanilang kita.

Nag-aalala ang mga kamote sa kanilang kita pero hindi man lang nila naiisip ang bantang panganib ng kanila nekosyo sa mga pedestrians. Alam naman natin na kung anu-ano na ang naiisip at kayang gawin ng mga taong sinasapian ng espiritu ng alak.

***


Kaya na niyang mambastos ng mga dumaraang kababaihan. Pwede ka na niyang pag-tripan, pati na ang mga dumaraan na sasakyan.

***


Take my testimonial as an example. Noong mga binata pa kami nina Manong Pietro we used to drink diyan sa mga gilid-gilid ng simbahan ng Gagalangin. Kami ang tinaguriang “Mommy Lita Gang,” named after one of our church organists. Lagi-lagi, kapag kami ay pauwi at mga lashing na, dumaraan kami sa bahay ni Mommy Lita, tumatapat kami sa kanyang bintana at sumisigaw ng “Mommy Lita! Mommy Lita!” sabay takbo pag alam namin na nagising na siya.

Tingnan na ninyo ang nagagawa ng alak! Pero pinagsisihan na namin ang mga iyon. Dala lang iyon marahil ng aming mga musmos na pag-iisip. Nagkamali kami, Mommy Lita, sorry po.

Di kasi namin naisip na may doorbell naman pala sila.

***


Kaya kung ako kay Mayor Lim at sa mga honorable councilors ng Maynila, mag-isip-isip muna ako nang maraming beses bago ko pahintulutan ang mga lasenggo’t lasengga na magpiyesta sa kalye.

O, tagay pa!
***


Don’t get me wrong. I’m not saying na wag na tayong uminom. Ilagay lang natin sa tamang lugar; doon sa wala tayong mapeperwisyo.

Drink moderately. If you drink, don’t drive. If you drive...don’t forget your keys.

***


To end this life-saving essay of mine, allow me to share to you a very touching letter of a son to his father. My tears were unstoppably running. I called my dad the moment I finished reading this letter. I hope magsilbing aral ito sa atin. And if it touches you also, please forward it to your friends and loved ones.

BEER Dad,

GINdi na ko iinom ulit WHISKEY kelan, TANDUAYan mo yan - pRHUMise. TeTEQUILAN ko na talaga.

Your San,
Miguel

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP