Powered by Blogger.

Saturday, October 20, 2007

Tagay Decree

Sa bisa ng Tagay Decree No. 01, idinedeklara ko ang buwan ng Oktubre bilang Doing The Right Thing Month. Sa tuwing sasapit ang buwan na ito, lahat ng mambabasa ng Tanggero ay kinakailangang makibahagi sa pagpapalakas ng ating kampanya sa paggawa ng tama.

At all cost.

***


Mas maganda nga kahit hindi October ay tuloy-tuloy ang kampanya natin. Let’s make Doing The Right Thing a national past time. Look at former priest Pampanga Governor Ed Panlilio. Nakatanggap umano siya ng regalong mahiwagang bayong mula sa Malacanang matapos dumalo sa isang meeting. Ang mahiwagang bayong ay naglalaman ng kalahating milyong piso.

Ang laki namang pamalengke nito!?

***


Alam ni Gov. Panlilio na sa ginawa niyang pagkanta tungkol sa Mahiwagang Bayong ay magiging mortal siyang kaaway ng Palasyo, gayundin ng iba pang nakatanggap ng kaparehong bayong. Puwede siyang bweltahan ng mga ito, at idamay pati ang pamilya niya.

Ngiii! Kakakot ako!

***


Pero para sa Gobernador, he must do the right thing kahit sino pa ang masagasaan. Inilabas niya sa media ang kababalaghan at itinanong sa nagregalo ng bayong kung para saan ang malaking pera na laman nito gayung malayo pa naman ang Pasko at di naman niya birthday. At saka bakit walang resibo o voucher man lang kung ito ay official disbursement?

***


Sigurado ako na pinag-isipang mabuti ni Gob ang kanyang ginawa. Marami siyang ikinunsidera: ang kapakanan ng kanyang mag-anak at mga kapwa kapampangan, atbpa.
Pero Alleluia, Praise the Lord, nanaig sa Ama ng mga Kabalen ang paggawa ng tama.

Tama naman siya, di ba? Dahil kung hindi siya tama, maliwanag na mali siya.

***


Sayang yung P500 thou. Anyway, sa araw-araw na buhay natin lahat tayo ay dumadaan sa Doing The Right Thing test. Ang tanong, pumapasa ba tayo? Eh kung makakita ka ba ng patayan ngayon at namukhaan mo ang killer, iri-report mo ba ito sa pulis o deadma ka na lang?

“Mag-isa ka! Paano kung namukhaan din ako ng killer at baka ako pa ang isunod?!”

***


Neknek mo! Paano naman kung pumatay pa nang pumatay ang killer at wala kang ginawa? Paano kung kapatid mo o GF mo ang susunod na mabiktima? Mahirap gumawa ng tama, ano?

Pero we must do the right thing. Dahil ito ang dapat.

***


Paki-save na lang sa inyong mga cellfones ang “Panatang Maka-Right Thing” at bigkasin natin ito sa tuwing daraan tayo sa hamon ng paggawa ng tama:

Namumuno: Sa panahong mabuntis ako at ayaw akong panagutan ng walanghiya kong boyfriend, hinding-hindi ko ipalalaglag ang bata, kahit pa gulpihin ako ng OFW kong tatay, kahit pa tawagin akong single-mom…

Lahat: We must do the right thing, dahil ito ang dapat!

Namumuno: Sa panahong inaaya ako ng bago kong boyfriend na kami ay mag-sex kahit di pa kami kasal, tatanggi ako kahit pa hamunin niya ako ng cool off, ok lang, marami pa naman lalaki diyan.

Lahat: We must do the right thing, dahil ito ang dapat!

Namumuno: Sa panahong gipit na gipit ka, kailangan mo nang pambayad sa eskuwela para sa Final exams, nakita mong naiwanan ng kaklase mong mayabang ang kanyang cellfone na N73, isosoli mo ito sa kanya kahit pa walang ibang tao sa classroom ninyo.

Lahat: We must do the right thing, dahil ito ang dapat!

Namumuno: Sa panahong malakas ang ulan o ihing-ihi ka na at pakiramdam mo ay gusto nang umagos ng isang litrong RC Cola na ininom mo kanina, pipilitin mo pa rin pumunta sa tamang tawiran para tumawid.

Lahat: We must do the right thing, dahil ito ang dapat!

Namumuno: Sa panahong mukha ka ng tanga dahil ikaw na lang ang gumagawa ng right thing sa pamilya mo, sa barkada mo, sa barangay n’yo, subalit mananatili ka pa rin matatag at hindi patitinag sa kanilang pang-aakit, kahit pa barilin ka sa Luneta kagaya ni Rizal, at least ikaw ang kikilalaning Martir ng Right Thing.

Lahat: We must do the right thing, dahil ito ang dapat!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP