Powered by Blogger.

Saturday, January 12, 2008

Pista O Riot?

Muli na namang ipinagdiwang ang pamosong Pista ng Itim Na Nazareno ng Quiapo noong January 9. Gaya nang inaasahan, ito ay dinayo na naman ng libu-libong katao.

Deboto, usisero, negosyante, pulis, media, kulto, pulitiko at kung anu-ano pa.

***


Ito ba ay pista o riot? Taun-taon ay paulit-ulit na lang ang mga eksena ng balyahan, tulakan, himatayan, at minsan pa ay kamatayan subalit bakit hanggang ngayon ay tila hindi maisaayos ito?

O talagang walang balak ayusin?

***


Ilang rectors na rin ang nanungkulan sa Basilica ng Quiapo bago ang kasalukuyan na si Msgr.Clemente Ignacio ngunit walang nagtagumpay na isaayos ang pagdiriwang na ito. Totoo nga na mahirap kalabanin ang daang taon na tradisyon pero paano naman kung mauwi na ito sa totoong malaking trahedya?

Knock on the wood!

***


Kung nakita ninyo ang video footages ng GMA-7 talagang kikilabutan kayo sa tagpong inilalabas na ang imahen ng Nazareno. Ang mga tao ay para talagang alon na inihahampas sa kanan at sa kaliwa dahil sa pag-uunahan na makalapit sa karosa o sa lubid man lamang.

Katiting na lang malaking disgrasya na.

***


'Wag na natin hintayin na maging pinakamalaking sakuna ito sa kasaysayan ng Simbahan. Kumilos na tayo, este, sila pala. I mean yung Comite de Festejos. Sana lang ay pakialaman na ito ng Mabunying Kardinal Gaudencio Rosales.

Hangga't maaga po.

***


Your Eminence, puwede po bang mag-request? Next year po ba puwede kayang sa Quirino Grandstand na lang isagawa ang pagdiriwang na ito? At least doon medyo maluwag-luwag ng konti ang lugar. Doon kaya natin idaos ang isang malaking Misa, prayer rally at saka mag-prusisyon sa Roxas Boulevard?

Effective kaya?

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP