Powered by Blogger.

Thursday, November 13, 2008

JC Ang Kanyang Initials

Si + Fernando Poe , Jr ay hari daw ng pelikulang Pilipino. Tinatawag pa nga natin siyang Da King. Si +Elvis Presley naman ay hari ng Rock & Roll. Si +Asyong Salonga ang hari ng Tundo. Si Dolphy ang nag-iisang Comedy King.

Si Berwin Meiley ang hari ng sablay.


***



Marami tayong hari sa ating buhay. Idagdag pa natin ang mga naging hari ng iba't ibang bansa noon tulad ng England, Spain, Portugal at iba pa. Pero nasaan na ba sila ngayon?

Lahat sila ay mga nag-evaporate na, maliban sina Pidol At Berwin.


***



ANLUWAGE.COMSubalit ang career ng Hari ng mga Quizons ay hindi na rin mainit ngayon kumpara noong kanyang kapanahunan. Samantalang this hari ng sablay thing eh pupugak-pugak pa rin ang stardom, as of this writing.


***



I therefore conclude na walang staying power ang mga Majesties na ito dahil nagsikupas ang kanilang mga korona. Ngunit mayroon akong kilalang hari na hanggang sa ngayon ay makislap ang korona.

Sino? PLease scroll down.


***



Clue no. 1: Kakaiba ang hari na ito. Siya ang naglingkod imbes na siya ang paglingkuran.

Clue no. 2: Magaling siyang gumawa ng alak. Napalakad niya ang mga lumpo, napagsalita ang mga pipi, nakakita ang mga bulag at binigyang pandinig ang mga bingi.
Ang alin?

ANG MGA BINGI!

***


Clue no. 3: Hindi pangkaraniwan ang kanyang trono - 2 kahoy na pinag-ekis at ang kanyang naging higaan ay mga dayami.

Clue no. 4: Pero kaya niya tayong bigyan ng buhay na walang hanggan. Namatay siya subalit nabuhay uli makaraan ang 3 araw. Ito ay upang akuin ang ating mga kasalanan. Kung ibang hari lang siya, malamang tayo pa ang mabitay.

Clue no. 5: Ang kanyang pagkahari ay walang limitasyon. Siya lang ang hari ngayon, bukas at magpakailanman.


***



Last clue : JC ang kanyang initials. Gets n'yo na?

***


Feast of Christ the King na sa November 23. Wag natin kalilimutang maglagay ng Yellow and White flags sa harapan ng ating mga bahay bilang pagpupugay sa dapat nag-iisang Hari ng ating mga buhay.

Mas ok kung may imahen o picture din Niya.

***


ANLUWAGE.COMHalos kumpleto na ang line up ng mga magsusulat para sa "The Nine Gifts," ang Advent special ng Anluwage.com.

Abangan kung sinu-sino silang mga tutulong sa atin sa pag-iisip ng magandang regalo para sa ating Panginoon sa kanyang birthday sa December 25.

***


QUOTE-kutin: "Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala." - Bob Ong

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP