Powered by Blogger.

Friday, December 05, 2008

Ikaw 2009 Beta Edition

Advent. Panahon ng paghahanda para sa pagdating ng Panginoon. Paano mo gagawin iyon? Treat yourself to a system upgrade.

From IKAW 2008 to IKAW 2009 Beta Edition.

***


Yup, kailangan mo talaga ang system upgrade upang ganap mong mai-download si Lord sa iyong buhay. Kung nag-fail ang Ikaw 2008 it's necessary to take the next level and acquire Ikaw 2009.

And make sure this time it works.

***


FULL SCAN - This is step 1. Bago ka mag-upgrade, busisiin mo muna ang naging performance mo in the past 12 months. Gaano karaming errors ang nagawa mo sa buhay mo? Ilang beses kang na-virus-an dahil sa pagda-download sa maling panginoon? Baka nandiyan pa ang mga Trojan, worms at kung anu-ano pang virus sa buhay mo na kailangang ma-disinfect or totally ma-delete.

Bisyo, pag-iinarte, kapraningan, katamaran, blah, blah, blah...

***


REFORMAT - Kung hindi kaya sa reboot, kailangan mo ng major reformat - Kumpisal. Kailan ka ba huling nangumpisal? Panahon pa yata ng Lotus 123? Take this chance, bro, burahin mo na ang mga nakaka-bad trip mong ugali't asal at siguradong gaganda ang performance mo.

I-drag mo lahat sa recycle bin, este sa kumpisalan pala.

***


ANTI-VIRUS - Prayer 2.0 is the best anti-virus in the market. Kung ito ay naka-on 24/7, walang anumang virus ang makakaporma sa iyo. Lalo na kung iyong professional edition ang ii-install mo. Kase nga connected ka sa server ni Lord.

Recommended upgrade: HOLY MASS.

***



Now that you have cleared your cache, you are good as new. Time to find out what's hot and what's not in the Ikaw 2009 Beta Edition.

***


BLUETOOTH - Make sure you are equipped with it. Maximize sharing yourself to others and be prepared to learn something from them too.

***


NETWORK - Connect. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Wag kang makasarili. Appreciate the planet. Co-exist with your in-laws, officemates, classmates, cellmates, soulmates and textmates. Reach-out.

***


CAM 13 MEGAPIXEL - A picture paints a thousand words. Something to this effect. Life's so short at minsanan lamang kaya dapat matindi ang kodak na gamit mo. Bawat moment sa buhay mo at sa mundo mo dapat ma-capture mo para maganda ang profile mo sa Heavenster. Of course not literally na papa-piktyur ka. The point is di ba kapag nagpapakodak ka inaayos mo muna ang buhok mo, ang damit mo at ang pose mo? Dapat lagi mo rin isipin na ang buhay ay parang pagpapa-piktyur - kailangan maayos lagi ang sarili mo.

Dapat walang red eye at sungay.

***


MEMORY - Ilang giga ka ba? Oo, ilang gigabytes ba ang Ikaw 2008 mo? Lagi ka kasing puno. As in punumpuno. Punompuno ka na sa parents mo, sa gobyerno, sa mga prof mo, sa celfone network mo, sa Channel 2 at sa kasisigaw ng mga hosts ng Wowowee. Wala ka nang pasensiya. Galit na galit ka sa mundo.

Try to get 80GB.

***


Malapit na ang Christmas pero kulang pa rin ang mga pang-regalo mo? May mga suggestions ang Anluwage.com sa inyo beginning 15 December 2008.

THE NINE GIFTS. Abangan.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP