Powered by Blogger.

Thursday, December 11, 2008

Accidental Misyonero Si Pacman

Courtesy:pacquiaovideo.com


Ang bilis at bangis ng kamao ni Manny Pacquiao ang sinisisi sa pandaigdigang pagkapahiya ni legendary boxer Oscar dela Hoya sa kanilang sapakan noong Linggo, December 7, 2008, AD.

Dream Match. Daw.

***


Ngunit iba ang dialogue ni Pacman, na patuloy namang dinededma lang ng media. Ayon sa ating Pambansang Kamao, ang pinakadahilan ng kanyang panalo ay ang tulong ng ating Mahal na Panginoon.

Klap-klap-klap!

***


Itong ugali na ito ni Manny ang dapat natin kunin na balato. Hindi kailanman niya sinarili ang kanyang tagumpay. Alam niyang may higit pang makapangyarihan at natatangi kesa sa kanyang kamao.

At ito ay lagi niyang ipinaaalala sa atin lalung-lalo na sa tuwing siya ay sasampa sa ring upang makipagpisakan ng mata.

***


Hindi ko na nabilang kung ilang beses nag-sign of the cross si Pacman. Basta maraming beses. Mula sa locker room hanggang sa ibabaw na ng lona.

At kada round pa yata.

***


Subalit ang pinaka-nagpatindig sa lahat ng aking mga balahibo ay ang eksena kung saan ay idinedeklara na ang kanyang panalo.

Buong kababaang-loob na lumuhod ang lolo mo, pasubsob sa gilid ng ring at taimtim na nagpasalamat sa kanyang Mahal na Panginoon.

***


Alam ni Pacman na hindi niya kakayaning pitikin si Golden Boy dela Hoya nang walang tulong mula sa Diyos. At iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa atin.

Sa salita at sa gawa.

***


Di man sinasadya ni Pacman pero sa kanyang ipinakikita sa ating halimbawa ng ganap na pagsuko at pagmamahal sa Diyos ay masasabi natin isa siyang misyonero.

Every letter of the word.

***


Sabi nga ng pari sa Quiapo, simple gesture lang ito subalit napakalaking implications. Matindi ang impact nito lalo na sa mga fans ni Manny. Alam naman natin kung paano manggaya ang mga fans sa kanilang mga idols.

Di ba nga nung nagpakalbo si Britney...

***


ANLUWAGE.COMIsa pa sa nakaintriga sa akin noong pinanood ko ang Dream Match ay yung taga-HBO na nag-interview kay Pacman sa ring after the bout. Napansin n'yo ba kung ano ang tawag niya kay Manny? Yung tunay na pangalan ni Pacquiao.

Emmanuel. Meaning "God is with us". Pasko na talaga.

***


Huwag ninyong kalimutang magdala ng payong sa Friday, sa inyong pagpunta sa Interfaith rally sa Ayala Avenue. Ating buong pwersang ipagsigawan ang ating pagtutol sa Cha-cha ni PGMA na kaduda-duda ang timing.

Teka, ang payong ay para sa ulan ha? Hindi yan pampukpok kay Nograles.

***


Ipanalangin nga natin itong mga kapalmuks na mga ka-Cha-cha ni PGMA. Isinasangkalan ang mga economic reforms kuno-kuno pero may mga term extension agenda naman sa bulsa.

Itaas ang mga rosaryo!

***


Nasaan na ang mga Claro M. Recto, Carlos P. Romulo at Jovito Salonga natin? Bakit puro mga buwaya na yata ang naghaharian sa gobyerno? Wala na ang mga tunay na statesmen ng bansa.

Ihanda ang agua bendita!

***


Wag kayong mawawala sa gift madness ng Anluwage.com from December 16 to 24. Tampok dito ang mga kakaibang gift suggestions na bukod sa walang gastos garantisado pang patok sa panlasa ng inyong mga pagbibigyan.

THE NINE GIFTS. Don't miss it.

***


QUOTE-kutin:
"Don't tell God that you have big problems. (Instead) tell your problem that you have a big God. "
- Manny Pacquiao

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP