Powered by Blogger.

Wednesday, January 06, 2010

Ang Bunga Ng Menudo



January 2010, umpisa ng bagong taon. Marami sa atin ang may mataas na energy, punung-puno ng ideyalismo. Maraming gustong baguhin at ayusin sa kanyang buhay at sa mundo.

Marahil ay dala na rin ng sobrang daming kinaing Menudo noong Media Noche.

***


Normal na ito tuwing nagpapalit ng taon subalit normal na rin na nauuwi sa wala. January 10 pa lang ay nakakalimutan na ang magagandang mga plano sa buhay.

Tunaw na kasi ang Menudo?

***


Sana maiba ang 2010. Sana ay seryosohin mo naman sa taon na ito ang pagsasaayos ng mga bagay-bagay, una, sa buhay mo, at pangalawa sa mundo. Anu-ano nga ba ang mga pwede natin gawin upang magbago ang mundo ngayong 2010 at masabi mo sa December na ikaw ay tagumpay? Narito ang ilan sa aking expert suggestions, try at least one:

  1. Pumunta sa Mindanao at isa-isang hulihin ang mga Abu Sayyaf
  2. I-text mo ang Premiere ng China na bawasan ang carbon emission ng kanyang bansa upang makabawas sa global warming
  3. Kausapin mo nang masinsinan si Pangulong Gloria at ipakiusap na wag nang tumakbong Congresswoman sa Pampanga at itiklop na ang pangarap na maging Prime Minister
  4. Harangin ang lahat ng truck ng basura at i-segregate mo ang mga nabubulok at hindi nabubulok. I-recycle ang mga pwede pang gamitin
  5. Bantayan ang lahat ng mga "Bawal Umihi Dito" signs at kutusan ang sino man na lalabag


***


Subalit kung ikaw ay talagang seryoso na gumawa ng mga totally worthy na mga bagay this year, pwede ko bang i-suggest to reflect first on the Parable of the Talents?

***


Ito iyong kuwento tungkol sa isang panginoon na nag-iwan ng mga mina sa kanyang mga alipin. Ang isa ay binigyan ng 10, ang isa ay 5 at ang isa naman ay 1.

***


Matapos ang ilang panahon, nagbalik ang nasabing panginoon at tinawag ang kanyang mga alipin at pinag-report tungkol sa mga mina. Ang binigyan ng 10 ay ikinalakal ito kaya't nagbunga pa ng 10. Gayundin ang ginawa ng binigyan ng 5 kaya't tumubo pa ng 5. Samantalang ang binigyan ng 1 ay walang ginawa kundi itinago lang ang mina kaya't walang kinita, na sobrang ikina-bad trip ng kanyang bossing.

***


Ikaw, bilang isang Katoliko, alin ka sa binigyan ng mina? Yun bang pangatlo na hanggang ngayon ay di pa namumunga? Yun kuntento na nagsisimba every Sunday, nagdarasal pagkagising at bago matulog, nagbibigay sa mga charitable institutions at nagkukumpisal regularly?

***


Para sa sariling kaligtasan mo lang ang mga ito. Ayon sa parable, hindi ito ang gusto ng Panginoon. Inaasahan niya na ang faith na ibinigay sa atin ay magbunga rin naman para sa kaligtasan ng iba.

***


Sample - happy ka na nakakapagsimba ka every Sunday kaya dedma ka na lang kung ang ilan sa mga friends and relatives mo ay hindi ito ginagawa. Gosh, sinasayang mo ang chance mong mamunga. Kung kina-career mo sana na ma-convince silang magsimba na kasama mo, aba'y napakadaming bunga sana ito para sa iyo.

***


Na sa December sana, when you look back, mari-realize mo na ang dami mo palang naakay na magsimba every Sunday.

Mga 6,375.

***


Wow, mapapabilib mo ang Panginoon sa dami ng iyong mga naging bunga. Believe me, napakalaking blessings ang matatanggap mo mula sa Kanya. Your hard work and perseverance, pati na ang kakapalan ng mukha sa pag-iimbita, will not go unnoticed.

***


Ang Panginoong Jesus na rin ang nagsabi sa Mateo 6:33, and I quote, "But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well."

***


Tol, ang dami-daming ways upang tayo ay mamunga, hindi lang ang pag-aanyayang magsimba. Mga 6,375 pa ang pwede mong gawin upang makapagligtas ng maraming-maraming souls anf turn them as your bunga. Sa sinseridad ng iyong puso, ask Lord Jesus to help you maximize your creativity. Brace yourself, dahil ibubuhos Niya sa iyo ang maraming ideya.

***


In my future column ay magbibigay pa ako ng marami pang mga cute suggestions and tricks kung paano pa tayo puwedeng mamunga ng grabe.

Abangan: LARONG BASKETBALL CHAMPION SA PAMUMUNGA

***


Let's pray:

Lord God, minabuti mo pong ang Inyong mga kaloob na biyaya sa amin ay maibahagi rin namin sa aling kapwa. Tulungan mo po na sa pamamagitan nito ay maakay namin ang isa't isa patungo sa inaasam naming buhay na walang hanggan sa Iyong piling. Sa pangalan po ni Jesus, na aming Panginoon at Manunubos, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

***


Punuin natin ang mundo ng ating mga bunga. Kung kayo ay may mga suggestions kung paano pa tayong puwedeng mamunga ng grabe, post lang kayo ng comments dito or sa aming Facebook account: Facebook.com/anluwage or sa Twitter.com/anluwagedotcom. pwede rin mag-email sa anluwage1@yahoo.com.

***


Feel free to share this article and the rest of Anluwage.com's articles sa inyong mga Facebook friends para sila rin ay ma-bless at mamunga rin na kasama natin.

***


QUOTE-KUTIN: We don't do good things to become good Christians. We are good Christians that's why we do good things.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP