Powered by Blogger.

Wednesday, January 20, 2010

Parang Walang Diyos Sa Haiti! Really?

Courtesy: NJ.COM



Totoong nakawiwindang ang mga eksena sa Haiti matapos na ito ay iwasiswas ng magnitude 7.0 na lindol noong January 12, 2010.

***


Sa mga footages ay makikita ang mga tulirong survivors na hindi malaman kung saan susuong; walang mailabas na emosyon. Ang mga gusali ay nagmistulang mga durog na pulboron. Walang kuryente, walang malinis na tubig, bagsak ang mga communication facilities, walang pagkain. Parang walang gobyerno.

Parang walang Diyos.


***


Nasaan nga ba ang Diyos noong mga oras na yaon? Some would easily conclude the absence of God. Dahil kung meron daw Diyos, how could He let things like this to happen?


***


But wait a minute, kapeng mainit! Hold your melodramatic pieces right there. Think about the survivors, the avalanche of global support and sympathies. May mga report pa nga na mga sanggol na isinilang sa gitna ng trahedya. Imagine, marami ang mga nasawi subalit may mga bagong buhay din na umusbong.


***


How come na mas nabibigyan natin ng bigat ang mga guho kaysa sa mga buo? Ang mga namatay kaysa mga buhay? Madali natin maramdaman ang kawalan ng Diyos sa mga super-pangit na pangyayari sa ating buhay subalit hirap naman tayong i-acknowledge ang Kanyang kamay sa mga super-ganda na mga bagay?


***


God has mysterious reasons for permitting tragedies to happen. Reasons na hindi kaagad-agad kayang abutin ng IQ ng isang normal na tao. Hindi sa gusto Niyang pahirapan ang tao kundi dahil sa kailangang mangyari ang mga ito.


***


Remeber Ondoy and Pepeng? Ano ba ang mga naidulot sa atin ng back to back na mga bagyong ito? Di ba mas minahal natin ang isa't isa? Di ba mas naging concern tayo sa environment at aware sa golbal warming? Di ba napatunayan natin na ang mga trahedya pala ay di lang pang-mahirap....

Pang-mayaman pa!


***


Halos ang buong mundo ngayon ay kumikilos upang tulungang makabangon ang Haiti. Pasimuno ang UNITED NATIONS at UNITED STATES sa relief operations. Sana sa part naman natin, na mga naniniwala sa kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos, magsimula ang

UNITED PRAYERS.


***


Mga kapatid, walang relief goods ang makahihigit sa kaloob na panalangin sa mga biktima. Wala itong shortages, walang shipping problem, walang agawan sapagkat lahat ay puwedeng pagkalooban. In prayers, we can be generous as we want to be.

***


This is a great opportunity upang tayo ay makapamunga bilang Kristiyano. Invite your family, your classmates, office mates or tropa na sama-sama kayong manalangin para sa mga biktima ng sakunang ito. Kahit simple at maikling panalangin basta galing sa puso ay siguradong panalo.


***


Sabi sa Mateo 18:20, "For where two or three are gathered together in my name, there am I in the midst of them."

Hindi n'yo na kailangang lumayo. Diyan mismo sa favorite spot ninyo tuwing yosi break ay maaari na kayong mataimtim na yumuko at mag-alay ng short prayers. But if you can go extra miles by encouraging them to attend a Mass with you or go to the Blessed Sacrament mas panalo.


***


Let's pray:

Father God, Ikaw po ay tunay na mahabagin, mapagkalinga at nagdudulot ng lunas sa aming mga pasanin. Marapatin Mo pong muling ipadama ang Iyong mahigpit na pagyakap sa mga biktima ng mapaminsalang lindol sa Haiti. Igawad Mo po ang Iyong mahalagang pagbabasbas sa kanila upang sila'y hindi daigin ng pagsubok na ito. Masumpungan nawa nila ang katatagang muling bumangon sa pamamagitan na rin Iyong mga mapagpalang mga biyaya.

Lahat po ng ito ay buong galang naming ipinagmamakaawa, sa pangalan po ni Jesus, na aming Panginoon at Manunubos, kasama ng Espiritu Santo. Amen.



***


QUOTE-KUTIN: "For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to proper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Then you will call upon me and come and pray to me, and I will listen to you."

- Jeremiah 29:11-12.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP