Powered by Blogger.

Wednesday, February 03, 2010

RS Bill ( Reproductive Soul )

Houston, we have a problem! The Church is under attack again. I mean the Catholic Church in the Philippines for allegedly violating the boundary of the church and state. What else is new?

Parang sirang cd.

***


Last week lang, sinermunan ng isang congressman ang CBCP sa pakikialam daw nito sa affair ng estado nang manawagan ang the bishops and the clergies na huwag iboto ang sinumang kandidatong pabor sa Reproductive Health Bill o kilala rin bilang Sex Education and Artificial Family Planning Combo.

***

Don't ever think about quoting Lucas 20:25 to me, na ibigay ang kay Kuya Cesar ang para kay Kuya Cesar at sa Diyos ang para sa Diyos. Out of context ang pagkakaunawa ng marami rito, lalo na ng mga pulitiko. Hindi sinasabi rito ng Panginoon na huwag makikialam ang Simbahan sa estado or vice versa.

Ang itinuturo ng Panginoon ay maging responsible citizens of the world tayo by fulfilling our duties and obligations sa ating bansa and at the same time, tinutupad din natin ang ating tungkulin sa Diyos.

'Yun yon!

***


Kaya't magalak tayo, magbunyi at umawit ng mga Salmo sapagkat ginagampanan ng CBCP ang kanilang mga katungkulan na pangalagaan ang ating mga kaluluwa at ipagtanggol ang tama. Manahin natin ito dahil tungkulin din natin ito bilang mga mamamayan ng langit. Let's fight for the right.

And also for the left. And the center.

***


Tulungan nating itaas ang moralidad ng ating bansa at harinawang lumaki ang susunod na henerasyon na hindi marunong ng mga bad things.

Like dirty finger.

***


Hindi porke't gusto ng marami, hindi porke't pabor ang mga aktibista ay nangangahulugang tama na ang isang bagay. Come on, mga kagalang-galang na mga lingkod ng bayan, huwag ninyong payagang mag-party sa impiyerno dahil pinayagan ninyong magamit ni Satanas ang panukalang batas na ito upang maisingit ang kanyang mga advocacy.

***


Tayo naman, bilang mga tropa ng Panginoong Jesus, ating isulong ang RS BILL ( Reproductive Soul ). Humayo tayo at paramihin pa ang mabubuting kaluluwa sa mundo.

Punuin natin ng kabutihan ang ating planeta.

***


Nasa ibaba ang mga kilalang proponents ng RH Bill. Huwag n'yo silang awayin kapag nakita n'yo sila sa mall o sa kabilang barangay. Sa halip ay i-hug natin sila nang mahigpit at sabihin:

KAPATID, MABUTI NA LANG AT WALANG RH BILL NOON, KAYA BUHAY TAYO NGAYON.

***


Ang mga proponents ng RH Bill:

  1. Ronaldo Zamora
  2. Ruffy Biazon
  3. Juan Edgardo Angara
  4. Anna York Bondoc
  5. Edgardo Salvador
  6. Samuel Dangwa
  7. Teodoro CasiƱo
  8. Danilo Suarez
  9. Manuel Mamba
  10. Amante Edilmiro
  11. Abdullah Dimaporo
  12. Dan Fernandez
  13. Mujic Hataman
  14. Roque Ablan
  15. Liza Maza
  16. Riza Hontiveros-Baraquel
  17. Philip Pichay
  18. Teodoro Locsin Jr.
  19. Mauricio Domogan
  20. Satur Ocampo
  21. Abraham Mitra
  22. Jose Lacson
  23. Edcel Lagman
  24. Janette Garin
  25. Marc Douglas Cagas
  26. Darlene Custodio
  27. Florencio Garay
  28. Nicanor Briones
  29. Lorna Silverio
  30. Simeon Datumanong
  31. Justine Chepeco
  32. Crispin Remulla
  33. Nerrisa Corazon Ruiz
  34. Victor Ortega
  35. Emilou Talino-Mendoza
  36. Ronaldo Singson
  37. Neptali Gonzales Jr.
  38. Eduardo Joson
  39. Manuel Agyao
  40. Jose Carlos Lacson
  41. Ferdinand Marcos Jr.
  42. Antonio Kho
  43. Didagen Dilangalen.


(Source: Phil. Daily Inquirer, 05 Oct. 2008)

***


Wala nang bibisa pang pangontra sa RH Bill kundi ang kapangyarihan ng panalangin. Let's do the Christian way - let's pray for all of us, most especially the maka-RH Bill.

Father God, maraming, maraming salamat po sa kaloob Mong buhay, patunay ng Iyong pag-ibig sa amin. Nawa po ay masunod namin ang Iyong kagustuhan na gamitin ang kaloob na ito upang ipamahagi rin ang Iyong pag-ibig sa bawat isa sa amin.

Itinataas po namin sa Inyo, Ama, ang mga nagsusulong ng Reproductive Health Bil upang sila ay Iyong pagpalain ng karunungang masaliksik ang Iyong kalooban at ganap na magpasailalim dito. Sa pangalan po ni Jesus, na aming Panginoon at Tagapagligtas, kasama ng Espiritu Santo. Amen!

***


QUOTE-KUTIN: "In him was life, and that life was the light of men."

- John 1:4 (NIV).

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP