Powered by Blogger.

Friday, April 15, 2011

Mga Pasaway Na Lay Leaders!

I'm back from my Holy Week isolation. I chose to be isolated para mas makapagnilay akong mabuti. Nagkaroon kasi ako ng traumatic experience noong Holy Thursday. Ayaw ko na sanang ikuwento kaso naisip ko, paano ito maitatama kung sasarilinin ko lang.

***


I attended the Chrism Mass sa Manila Cathedral noong Maundy Thursday pagkaraan nang napakahabaaaaaaang panahon. Kaya hindi kataka-taka na ako ay masindak sa napakalaking pagbabago sa atmosphere ng Cathedral. Punumpuno ito ng tao, the bishops and the clergy at mga lay leaders.

Subalit higit akong nawindang sa mga lay leaders.

***


Mga lay leaders na inaasahan sana natin magiging mabubuting halimbawa sa sangkatauhan. Subalit sila pa itong mga pasaway. Imagine, group picture-picture habang isinasagawa ang Morning Prayer at naghahanda sa pagsisimula ng Banal na Misa.

Ano yan, pam-Facebook?

***


May nagsusutsutan pa, "Dito, dito, dali....pssst!" Ikutan pa ng ikutan.

Susmaryosep naman, sister!

***



Ang hindi ko lubusang ma-take ay ang bahagi ng Consecration. Habang itinataas ng Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales ang Katawan at Dugo ng Panginoon, ay nakataas din naman ang lahat ng cellphone at digital cameras.

Concert???

***


Save the best for last. Patawarin ako ng mahabaging langit subalit talagang napa-say ako ng bad words nang napagawi ako sa bandang pintuan ng Cathedral noong Communion. Sa mismong harapan ay may isang grupo mula sa isang parokya ang may baon na wireless microphone at isang kabataan ang bonggang-bonggang nagsisigaw ng cheer para sa kanilang kura-paroko.

Bakit di ka kaya magpa-check up,Iho?

***


Tama ba iyon, Aling Puring, kasagsagan pa ng Banal na Misa ay nagtititili na siya roon na parang si Willy Revillame?

Di ko na lang babanggitin na taga- St. John Mary Vianney Parish Cembo, Makati si Iho!

***


QUOTE-kutin: "My house will be called a house of prayer..." ( Mat 21:13, NIV )

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP