Powered by Blogger.

Friday, June 03, 2005

TEXTBOMB!

Quote mula sa paborito kong philosopher – si Anonymous, “Make love not war. Get married and you’d have both.”

***


June daw ang sinasabing buwan ng mga kasalan na conflicting naman sa statistics ng mga parokya. Higit na marami ang ikinakasal sa mga buwan ng Nobyembre, Disyembre at Enero.

Kasi raw malamig ang mga buwan na ito.

***


Whatever! June man iyan or December pa, isa lang ang ibig sabihin niyan: ang kasal is not just a piece of paper.. Kailangan mo rin ng marriage license mula sa city hall, baptismal at kumpil certificates, wedding invitations, mga souvenir items, mahabang gown, plantsadong barong at pantalon. Etcetera.

Mabusisi.

***


Ang sabi nga ni Aling Pacing , “ Wag mong iyakan ang namatay sapagkat dalawa lang ang maaaring puntahan niyan: langit o impiyerno. Pero ang ikinakasal hindi mo alam ang kahahantungan.”

May punto ang ale.

***


Hindi ko lang sigurado kung ganito pa rin ang sistema hanggang sa ngayon, ngunit noon ang kasal sa Saint Joseph de Gagalangin Parish ay classified sa tatlo: CLASS A, B OR C.

Unahin Natin ang Class C. Kapag ito ang napili mo, tanging main door lang ng simbahan ang bukas, ilaw sa altar, kandila, walang karpet, simple ang ayos ng altar . Ganoon lang. Mga P500 ang bayad sa ganito kasimpleng kasal.

Walang Misa.

***


Class B: Ito ay medyo bongga na: may karpet, mga bulaklak, bukas ang lahat ng pinto ng simbahan. Maganda ang dekorasyon ng altar, may cover pati upuan ng mga ninong at ninang. May Misa. Ito ay nagkakahalaga noon ng P1,500.

***


Class A: Banggitin mo lahat ng nasa Class B. Ang ipinagkaiba lang ng Class A ay bukas ang lahat ng chandelier ng simbahan. This cost P2,000.

At kung may dala kang video camera, may additional na P500 for the electricity.

***


Kaya nga ang sabi ng pari pagkatapos ng kasal, “Tapos na ang Misa humayo kayong mapayapa, Paki-settle po yung balance ninyo sa Parish Office.”

He-he-he!!!

***


Kumusta na kaya iyong kumpare kong adik sa casino at sabong. Mukhang natuto na itong sumimple. Wala na kasi akong balita. Siguro itinigil na niya ang pagsusugal sa Pan Pacific.

Sa Casino Filipino na lang ?

***


Dapat ikarangal ng sambayanang Pilipino, lalo na ng mga Katoliko na mayroon tayong isang Archbishop Oscar Cruz, ng Pangasinan,na handang itaya ang buhay malinis lamang ang ating lipunan, lalo’t higit sa sugal na isa sa pangunahing salot sa pamilya.

Mabuhay ka, Archbishop Oscar Cruz!

***


Ehem! Archbishop Cruz, sana po ay masilip din ninyo ang Gagalangin. Kasi po may adik sa casino dito sa amin, eh.

***


Full na po ang inbox ng cellphone ko kaya erase ko na yung iba. Pero share ko muna sa inyo yung ilan. Malay ninyo di pa ninyo nagagamit, di ba?

Last nyt a feather fel on my feet, i kept it. I was thinking if my angel, my angel hu i mis, do u know who she is? wel, luk at ur wings, maybe it's not complete...

Uuuuy!....Baduy!

***


my friend have asked me why i still love u & i've answered w/ a quiet smile not because she would never understand...

Ako rin, di ko ma-understand.

***


last tym my hart was broken i swor id never luv again. i tot it was tru bt dn u wokd n2 my lyf...ur eyes met myn.i knew u wer worth lovn....so i sed, " k fyn....one last tym..."

Promise yan, ha?

***


wn i said go i wsnt pshn u awy bt settng u free. wen i sd enuf i hvnt gvn u up, i jz need a break wn i sd gdby i ddnt min farewell bt wt cud i do? u were gone b4 i cd say cumbak...

Ayan, ang bagal mo kasi eh.

***


na2ginip ako. namatay daw tayo...sbi ni san pedro 1 lang makapunta sa langit...1 sa impiyerno. pinili ko mapunta sa impiyerno. kasi, honey, nung buhay tayo ginawa mo ng langit ang buhay ko!

May you rest in peace!

1 comment:

Anonymous said...

cute siya pero kung iintindihin mo may nilalaman talaga. keep up guys

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP