Powered by Blogger.

Thursday, July 28, 2005

Ang Binuwag na Senti Committee

Ilang buwan na lang ay ipagdiriwang na ng Sambayanang Gagalangin ang ika-100 taong pagkakatatag ng kanyang parokya, ang Saint Joseph de Gagalangin Parish. Subalit hanggang sa ngayon ay tila hungkag ang preparasyon para sa natatanging selebrasyong ito.

Meron nga ba?


***


Higit kaninuman, tayo, tayong mga tunay na naninirahan dito sa Gagalangin ang dapat manguna sa paghahanda sa okasyong ito.

Sinong aasahan natin, dayuhan?


***


Hindi sa hinahamak natin ang dayuhan, subalit mas lamang dapat ang pagmamalasakit natin sa ating nayon sapagkat siya ay lilisan din pagkatapos ng ilang panahon at tayo pa rin ang maiiwan dito, di ba?


***


Speaking of centennial, sinadya ko talagang halungkatin sa aking lumang baul itong interview kong ito kay Pietro Albano, ang dating Chair ng ating Parish Centennial Committee at ngayon ay isa sa editors namin. Ito sana ay intended para sa unang issue ng ANLUWAGE.COM noong Disyembre 2004 subalit ipina-defer ng isang editor namin ang publishing nito sapagkat hindi raw naaangkop sa panahon ng Kapaskuhan. Kaya naghintay pa kami ng tamang timing.

Sa palagay ko ngayon na iyon. Kasi kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi tayo, sino? Not once but twice!


***


December 2004, Planet earth






Manong Piet, ano ba talaga ang nangyari sa Centennial Committee? Tinanggal ba kayo or pinag-resign?

Alam mo, para akong humaharap sa isang bangungunot para sagutin yan. Pero, for the record, hayaan mong sagutin ko ang mga tanong mo. I was appointed to Chair the Centennial Committee in November 2002 to succeed and revamp the Committee because of the ineptness of my predecessor – Bro. Rody Segovia – who was also president of the Parish Pastoral Council (PPC). Ayoko talagang humawak ng puwesto kasi abala ako sa kasal ko plus sa Masteral thesis ko at that time. I later relented noong mag-heart-to-heart talk kami ni Fr Nestor Gungon. Kasama ko noon sina Loury Serdon at Rommel Viray. After that meeting, at kahit walang appointment papers, na hanggang sa huli eh wala kaming natanggap kahit nag-request na kami, tinanggap ko ang pagiging Chair plus nag-appoint na ako ng mga mamumuno sa iba’t ibang sub-committees. The first few months of 2003 were devoted to getting ready for a planning workshop which happened in Laguna in March. During the PPC meeting in April 2003, I have to make an apology to the Council for the inavailability of the report due to time constraints. Hindi ako tinantanan ng mga opisyal ng Council – Bernie Gutierrez, Cely Domingo, Rody Morales, Mely Ramos, etc. samantalang tahimik ang dating numero uno naming tagapagtanggol – si Fr Gungon.

Noong May 4, 2003, araw ng Linggo, nagpulong ang PPC, one week ahead of their regular scheduled meeting. Wala ako noon dahil, the night before nag-decide ang committee na huwag umattend dahil hindi pa kumpleto ang report. Bukod dito, may commitment ako noon sa Cathedral kung saan ako ang Coordinator ng Lectors/Commentators. Magtatanghaling-tapat, kadarating ko pa lang galing cathedral nang tumawag sa akin si Erly Santos (Treasurer ng Committee), ibinalitang "dinemolish" na ang Committee, yan mismo ang salita nya. Kaya naman nandoon si Erly para irepresent ang Lectors/Commentators.

Dinemolish, mukhang intensity 7 ang nagging dagok sa inyo ha? Did you ask Fr. Nesty or the Pastoral Council why?

No. Para ano pa eh right there and then inappoint na nila si Bernie Gutierrez to head the committee.

Ano na status ng Committee bago kayo pinalitan?

We have already prepared a complete line-up of events from Dec 2004 till Dec 2005. Nagsisimula na kaming gumawa ng budget. Yun ang mas madugo dahil hindi basta-basta ang pagdiriwang ng sentenaryo. Kung ang gastusin sa priest day eh hindi maaaring bara-bara lang eh gaano pa ang ika-sandaang anibersaryo ng isang parokya?

Nanghihinayang ka ba?

Oo dahil ang laki na ng hirap ng bawat isa sa amin para makabuo ng programa at budget. Yun ngang mga subcommittee reports ng mga heads gaya nina Rommel Viray, Loren Bernardo, Rona Sia, Al Reyes,at Beth Dantes eh pinagkabusibusisi pang mabuti noong planning workshop. Naging mga 'tormentors' kami ni Vlad Reyes - binusisi ko ang content ng events; si Vlad naman yung financial aspect.Ang masakit pa eh pinagpuyatan ng mga subcomms ang mga proposals nila. Si Rona, late appointee na nga, pero umaksyon kaagad kahit na merong mga kasamahan siya sa Spiritus Domini Choir (SDC) na nagkukwestyon sa kakayahan nya.Si Rommel kung saan-saan na nagka-canvass for physical arrangements. Everybody did a hell of a job to come up with their proposal – fantastic proposals, to be honest!

Ano na sana ang mga plano ninyo kung hindi nangyari ang lahat ng ito?

Una, isusumite ang proposal + budget sa PPC. Once approved, puspusang paghahanda na sa launching sa Dec 2004.

Wala man lang bang nagtanggol sa inyo sa Pastoral Council?

Sang-ayon kay Erly, silang dalawa lang ni Chat Bance ang tumayo para sa amin. Meron namang ibang balita na parang hindi rin daw kami ipinagtanggol ni Erly. Ewan ko kung ano ang totoo. Sa karanasan ko sa PPC, I find the minutes of the meeting totally unreliable - kung meron kang gustong gawing kwento sa history ng parokya magtanong ka na lang kay Gorio Javier!

I really feel sad for you, Manong, and the rest of your company na kilalang-kilala ko.

Oo nga. Maganda na sana ang takbo ng lahat. Nakabalik ang Anluwage mula sa kawalan, karamihan sa mga nasa committee mga taga-Anluwage. We already have the momentum then all of a sudden, things got demolished.


Kumusta naman ang buhay-buhay ngayon?

Mula nang patalsikin kami nang walang kaabug-abog, nag-focus na lang ako sa pagtuturo't pananaliksik sa UST at paglilingkod sa barangay rosary at Cathedral. Nagsusulat din ako ng mga balita't artikulo para sa Cathedral newsletter. I’m happy that I was part of another community which has always welcomed me. Makalipas ang isang buwan, umalis ako patungong UK para makasama si Nidz. Bukod sa pag-aalaga’t pagsuporta sa aking asawa, nagtuturo ako sa college. Nagsisilbi din sa Cathedral bulletin, Mass reader at Liturgy Group Member sa Our Lady of Perpetual Succour Parish, contributor sa Catholic News at Life Today (sa Maynila), at Community member sa Nottingham City Hospital NHS Foundation Trust.

Ano ang pinakami-miss mo sa Gagalangin?

Walang iba kundi ang ugnayan nating magkakaibigan. I came to realize that what matters in the end is not the amount of activities we’ve performed, but the relationship that made all of those activities worthwhile.

May pagkakaiba ba ang mga taga-diyan at taga-rito?

Mas relihiyoso ang mga Pinoy pero hindi naisasapuso ng iba ang ating pananampalataya. Dito, kahit kakaunti ang nagsisimba mapapansin mong walang pataasan ng ere, walang nakabili ng upuan sa simbahan. Ang mga pari dito walang mga taga-silbi at madaling hagilapin.

Describe Saint Joseph de Gagalangin Parish Pastoral Council in one word.

Dysfunctional.

Pwede mo bang i-elaborate ang iyong description?

Pag sinabi mong dysfunctional, ibig sabihin may sakit. Saan ka ba nakakita ng PPC na hindi ginagamit ang isip at bibig kung kalian kailangan? Kapag nagbitiw ng salita ang pari, bow na lang! Mga kapit-tuko sa pwesto eh. Ganyan ang naging ugali ng mga tao dyan noong may problema tayo kay Fr. Guerrero – walang umimik para sa atin. Ngayon namang binuwag ni Gungon ang committee, kakaunti o kaya’y talagang walang tumayo para sa amin.

Ganyan ba ang Kristiyano? Ganyan ba ang trato ng mga taong nagtatawagan ng “brother/sister”?

Sasabihin pa ni Bro. Rody sa akin dati na ang kura paroko napapalitan pero ang mga parishioners hindi. Kaso, pati siya walang ginawa para maiwasan ang “exodus” ng mga matitinong parishioners sa ibang parokya.


How about Fr. Nesty?

Lame-duck.

Grabe ka, Manong! Bakit mo naman nasabing lame-duck si Fr. Nesty?

Paano ba naman madali siyang napaniwala sa mga taong wala namang intensyon sa parokya kundi magpasikat at humakot ng boto. Noong una kaming magkita nyan, matapos naming i-propose ni Vlad sa kanya ang pagbubuo ng Centennial Committee, hindi nya alam na mag-iisandaang taon na ang parokya noong lumuklok sya sa pwesto, sinabi nya sa akin, “Tutulungan mo kami, ha?”. Sinuportahan ko siya doon kahit na nagtataasan ang kilay nila Cely, Bernie, Rody, etc noong pinagsalita ako ng pari sa PPC. Naaawa ako sa kanya dahil wala syang alam tungkol sa kasaysayan ng parokya.

Kung maibabalik ang panahon, tatanggapin mo pa rin bang pamunuan ang Centennial Committee?

As I have said before, tinanggihan ko na ang pwestong yan. Pero dahil sa pagmamalasakit sa parokyang kinagisnan ko, tinanggap ko sa huli na pamunuan ang komite. Matapos ang mga nangyari, my answer is: NO, THANK YOU!
Maraming salamat, Manong Piet.



***


Well, bukas po ang pitak na ito for the other side of the coin. As always.

Just post your comments sa lower portion. Ciao!

2 comments:

Anonymous said...

malaking panghihinayang talaga lalo na sa parte naming mga kabataan. kasi once lang natin masasaksihan ang centennial ng ating parokya na pinaghirapan at talagang pinag-aralan ang bawat ditalye napornada pa.....

Anonymous said...

kng d lng cguro nla n fil ang insecurity n mga kabataan p ang ha2wak ng pnka mlaking event ng gagalangin cguro may ngya2ri ngayon at d lng cguro mga tga parishioners ang nka2 fil na my dratng n centennial

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP