Powered by Blogger.

Wednesday, November 02, 2005

Ang Gusto Ko Sa Lapida Ko

May hang-over pa ako ng back-to-back na All Saints Day at All Souls Day. Ginulo ng Anluwage Poll ang utak ko. Ano nga ba talaga ang mas maganda: cremation o tradisyunal na libing?

Wala bang ibang choice?

***


Parang mas pabor ako sa cremation. Yung tipong gagawin lang akong panggatong.

Takot kasi ako sa uod, eh.

***


On the second thought, parang ayaw ko rin ng cremation. Pawisin kasi ako kaya baka imbes na abo ang iuwi ng pamilya ko eh maging putik

***


Iniisip ko rin kung saan maganda ipabudbod ang aking mga abo. Ayoko sa dagat dahil hindi ako marunong lumangoy. Lalong hindi ako papayag na sa Baguio ako isasaboy dahil marami raw moomoo dun.

Kakatakot!

***


Sa paborito ko kayang tambayan? Sa SM Centerpoint. Baka naman walisin lang ako ng mga janitor

***


Tulungan n'yo naman akong mag-isip kung saan mainam ipasabog ang aking mga abo.

Email n'yo ko, ha? At kung may mga mensahe kayo para sa mga yumao, isama na rin ninyo sa inyong email at ako na ang bahalang magsabi sa kanila. Kung ako ang mauuna, ha?

Pero kung kayo naman ang mauuna, pakitanong naman kay Ms. Nida Blanca kung sino talaga ang pumatay sa kanya.

***


Wag n'yo sanang iisipin na ginagawa kong katatawanan ang kamatayan. Sa totoo lang takot akong matigok pero sabi nga nila lahat naman tayo ay daraan dito.

Pwede kayo muna?May magandang paskil noon sa Campo Santo de La Loma, kung naaalala ninyo. Marami raw nagreklamo kaya ipinaalis ng administrador. Ano ang nakasulat?

Ako ngayon, ikaw bukas

***


Hindi natin naramdaman na ipinagdiwang ng Simbahan ang PRISON AWARENESS SUNDAY noong October 30. Pagkakataon sana natin na ipadama sa mga kakosa natin sa loob ng bilibid na hinihintay natin ang kanilang paglaya at pagbabalik sa ating piling.

***


Sabi nga ng joke ni Fr. Bong Guerrero, lahat tayo ay makakasalanan. Ang pagkakamali lang nga mga preso ay nagpahuli sila.

***


Hoy! Puspusan ang make-over ng simbahan ng Gagalangin. Talagang hinahabol sa pagdiriwang ng sentenaryo sa Disyembre. Bagong pintura na ang labas ng simbahan at pina-landscape na rin ang patio kung saan ang rebulto ni Msgr. Pedro Pajarillo ang centerpiece. Pati mga luhuran ay naka-schedule na rin daw ayusin.

Well, isunod na agad ang "spiritual make-over" para kumpleto na.

***


Gusto kong batiin ang aking Ate Joie Bulaong at ang kanyang mga masisipag na staff sa Parish Youth Council dahil balitang-balita ang tagumpay ng kanilang itinaguyod na Parish Youth Retreat noong October 28-30, 2005 sa Tagaytay. Galing n'yo, mga dude! Napakalaki ng task na iyon but u did it great, with flying colors!

Go youth!

***


Ang ating mga youth ay dapat minamahal at inaalagaan. At kung medyo sumablay man sa pagkanta ng Salmo dapat ay kausapin na lang natin sa Choir meeting.

Wag iyong sesermunan mo sa mismong Misa.

Bad iyon

***


Calling past and present members ng APOSTOLADO NG PANALANGIN (AP) YOUTH, magkakaroon daw kayo ng GRAND REUNION sa December 30, 2005. Kontakin daw si Dhang Vistan-Garcia para sa karagdagang info or kahit na sinong active member right after the 4PM Sunday Mass.

Good luck, guyz!

***


Before I close, balikan ko lang yung unang topic natin tungkol sa death. Let this be part of my last will and testament. Isang pangungusap lang ang gusto kong nakasulat sa aking lapida. Walang pangalan, walang birthday, walang date of death, walang RIP or SLN.

Keep off the grass lang!


No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP