Powered by Blogger.

Thursday, November 24, 2005

Ay Que Lindo!

Ewan ko kung nararamdaman din ninyo ito. Iba na ang dampi ng hangin sa balat lalo na sa bandang gabi. Para bang nagbibigay ng kakaibang saya sa puso na mahirap ipaliwanag.

‘Di kaya epekto lang ito ng sobrang puyat?


***



Pero, promise, talagang iba na ang lamig ng hangin. Sa tuwing umiihip ito ay tila kuryente na nagbabalik ng maraming masasayang alaala.

Dapat na kaya akong komunsulta sa duktor?


***



Iisa-isahin ko ang mga images na nagpa-flash back sa utak ko. Una, nag-uumpisa nang bumait ang mga tao. Madalas ay nakangiti na tayo, lalong-lalo na yung mga maagang nakatanggap ng Christmas Bonus at 13th Month pay


***



Pangalawa, yung Advent Wreath sa simbahan na may 3 kulay violet na kandila at 1 pink na sumasagisag sa 4 na Sundays ng paghihintay natin para sa pagdating ng Panginoon. Kakaibang excitement lalo kapag ang pink na kandila na ang may sindi sapagkat ibig sabihin ay malapit na talaga ang Pasko.


***



Third, yung mga Christmas Parties sa mga paaralan. Ang bukod tanging araw bawal magalit at sumigaw ang mga teachers.

Hindi ko na rin maalaala kung ilang picture frames ang naipon ko mula sa mga exchange gifts.


***



Pang-apat, masaya rin sa dibdib ang pakiramdam na nakikipagsiksikan ka sa mga cashiers ng SM upang magbayad kahit pa puro sale lang ang binili mo. Nakakaaliw din kasi ang mga Christmas songs na pinatutugtog nila.

Pati na ang announcements ng Customer Service counters tungkol sa mga nawawalang parents.


***



Siyempre hindi rin mawawala sa alaala ang paborito kong Simbang Gabi song na AY QUE LINDO!

Bienvenido nuestro valle, pastorcito cellestial, El Ganado Ya Perdido …..Pero solo con to vista ya se vuelve restaurar….AY QUE LINDO, AY QUE BELLO AY QUE HERMOSO AY AY AY….QUE EL AMOR A TUOS O BEJAS DE EL CIELLO LE JISO VAJAR….AY QUE LINDO, AY QUE BELLO AY QUE HERMOSO AY AY AY….

Mag-imbento kaya ng lyrics. He-he-he!


***



Sa susunod na edition na natin tatalakayin yung iba pang mga December moments natin. Pero sana mai-share din ninyo yung masasayang memories na naaalala ninyo pag sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan. Pagtagayan natin.

Please email me, tanggero@catholic.org.


***



Ngarag-ngaragan daw pero masaya ang preparasyon ng ating mga youth para sa pagde-decorate ng ating simbahan para sa nalalapit na Kapaskuhan at pagdiriwang ng Parish Centennial.

Nagpa-Jollibee ba si Father?

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP