Powered by Blogger.

Thursday, December 01, 2005

Nakakanerbiyos Ba Ang Kape?

Pwedeng ituring na maagang pamasko ng Catholic Youth Organization sa kanyang mga members, noon at ngayon, ang mainit at masarap na edisyon ng KAPE (Kuru-kuro At Panayam, Eksklusibo) na magsisilbing newsletter ng kanilang samahan.

Layunin umano ng KAPE na muling mapag-ugnay ang mga dati at kasalukuyang mga kasapi ng CYO at magkaroon sila ng venue upang mapag-usapan ang buhay-CYO.

Subalit sa aking scientific na pag-aaral, ang KAPE ay hindi lamang dapat sa CYO members ihain. Kung pagbabasehan ko ang ilang impormasyon na aking narinig , qualified ang babasahin na ito upang maging pampainit ng sikmura ng parokya o Parish newsletter sabi nga.

Sa pagkalahatang usapan, maraming papel sa buhay ang kape: pangggising sa mga tutulog-tulog, sawsawan ng pandesal, almusal ( coffee na lang, dear!), merienda, inumin sa mga sosyalan at marami pang iba. Kaya sigurado akong maraming magiging misyon ang Project:KAPE na ito.

Good luck sa CYO at sa tinitimpla ninyong KAPE. Sigurado akong maraming nenerbiyusin sa inyong pagkulo.

***
Ilan pa sa mga Christmas Eksena na naaalala ko ay ang makapal na pila sa Los Angeles Bakery, lalo na sa mismong bisperas ng Pasko. Maraming bumibili ng tasty o pan amerikano na pang-noche buena, etc.

Paborito kong pakay sa Los Angeles Bakery ay ang pagpapalitson ng ulo ng baboy. Kaya madalas akong mapagalitan dahil pagdating ko sa bahay ay halos ubos na ang balat ng litson. Sa sidecar pa lang kasi ay kinukurot ko na.

Ang cute-cute kasi eh.
***


Naaaliw din akong panoorin ang mga inaanak na namamasko sa kanilang mga ninong at ninang, lalo na iyong bata-batalyon kung lumusob. Kasama pati iyong kapatid ng pinsan ng tiyuhin ng lola ng kapitbahay nila.

Kaya di rin natin masisisi ang mga pobreng ninong at ninang na naka-invincible mode tuwing Pasko.

Kakatuwa rin panoorin ang inaanak na hiyang-hiyang namamasko dahil pinilit lang ng nanay niya.

Kasi malaki pa siya sa ninong niya, eh.
***


Ang Disyembre 8 ay pistang-pangilin sa kalendaryo ng Simbahan - Feast of the Immaculate Conception. Kinakailangan tayong magsimba. Ito ay natapat na araw ng Huwebes, mayroon tayong 2 Misa sa umaga (5:30 at 6:30) at 1 sa gabi (6:30).

***


HISTORICAL MILESTONE: May motorcade daw tayo sa Disyembre 11, 2005 para sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Parokya!

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP