Powered by Blogger.

Thursday, December 08, 2005

Ang Pinto At Ang Pag-Ire

Masama raw tumayo sa pintuan ng bahay ng buntis, ayon sa matatanda. Mahihirapan daw manganak.

Kung ano ang kaugnayan ng pinto at pag-ire ay sa matatanda na lamang po ninyo itanong.

***



Speaking of pinto, nakatakda na umanong pasinayaan ang Holy Door ng Saint Joseph de Gagalangin Parish sa Disyembre 18, 2005 bilang bahagi na rin sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Parokya. Ito ay nakatakdang basbasan ng ating mahal na Arsobispo Gaudencio B. Rosales.

***


Ayon sa paniniwala ng Santa Iglesya, ang sinumang papasok sa ating simbahan sa pamamagitan ng pintuang ito ay magkakaroon ng indulhensiya o kabawasan sa parusa na ating matatanggap dahil sa ating mga kasalanan. ( Tama ba ako, Manong Piet? )

Kung ganoon, sa palagay ko, kulang ang isang pinto para sa atin. Dagdagan! Dagdagan! Dagdagan!

***


Kaugnay pa rin ng Sentenaryo ng Parokya, gagawaran daw ng Archdiocesan Awards ang 2 natatanging Gagalanginenos dahil sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod sa ating Parokya. Ito ay sa katauhan nina Bro. ______________ at Sis. _______________.

Sori, binawalan po kaming banggitin ang pangalan ng mga awardees dahil surprise daw ito. Kaso gawa na ang column ko bago ninyo sinabing surprise.

Ahhh, alam ko na...

***


Mahal pa rin namin si ___________, kahit di niya kami naipagtanggol noong “inapi-api” kami sa Pastoral Council ng ilang manong at manang. Alam ko naman na deep inside ay labs pa rin kami ni ______________, ang butihing esposo ni Nanay _________ ng Samahang Medalla Milagrosa.

***


Pang-apat na si Rev. Fr. Nestee Gungon sa mga Pari Paroko na tinulungan ni _______ na maglingkod sa ating Parokya sa pamamagitan ng panunungkulan niya bilang __________. Unang-una ay sa maikling panahon ni Msgr. Navarro, sumunod ay sa 5 taon ni Fr. Mar Enriquez at pangatlo ay sa halos 7 taon ni Fr. Bong.

Alam ng mga Kura na ito ang kalibre ng isang _________ kaya hindi na nila kinailangan pang humanap ng iba.

***


Isa sa hinahangaan kong ugali ni __________, sayang at di ko magaya, ay ang kanyang galing sa diplomasya. Nagagawa niyang kontrahin ang isang Parish Priest sa paraang tapat pero hindi nakaka-offend.

Minsan nga ay biniro siya ng isang komedyanteng pari na ikinapikon niya subalit magalang niyang sinabi dito na hindi maganda ang kanyang biro.

Natauhan ang pari at humingi ng paumanhin.

***


Si _______ naman, ay taas noo nating maipagmamalaki bilang _________. Kung baga sa isang awit, siya ay isang masterpiece. Kung ilang piyesa na ang kanyang libong beses na _______, at kung ilang milyong tipa na ang nagawa niya sa ating _______ay siya rin dami ng kaluluwang natulungan niyang sumamba at magpuri sa Diyos.

***


Maaaring pinili ng ________ na huwag sagutin ang tawag ng pag-aasawa subalit nakabuti ito para sa ating Parokya. Malaya niyang nabigyan ng panahon ang paglilingkod niya sa atin na minana pa niya mula sa kanyang mga mahal na magulang.

***


Matagal na panahon na niya tayong _________, lalung-lalo na sa mga oras na hindi kayang gisingan ng mga higit na nakababata nating _______. Si _________ ay dapat maging huwaran ng mga kabataang ngayon pa lamang gumagapang sa simbahan.

Si ________ ay kabaligtaran ng ilang “taong-simbahan” na pawang pakitang-tao lamang ang pinagkakaabalahan. Hindi siya simbango at sindaming mag-make up ng ilang manang na kilala ko subalit para sa akin si ________ ang pinakamaganda sa kanila. Siya ay matahimik na naglilingkod at gumaganap sa mga tungkuling nakaatang sa kanya.

Mahiyain pa ka n’yo sa picture taking.


***


_________ at _________, tanggapin po ninyo ang pagpupugay ng pamunuan at mga kasapi ng Tanghalang Anluwage, Inc.

***


Pasensiya na po, dear readers dahil last minute na ako naabisuhan na surprise pala ang awards. Kaya, please fill in the blanks na lang po muna.

Next week ang sagot. Nya-ha-ha!

***


Nagulantang ako sa ibinalita ni katotong Art Reyes na nagpa-convert na raw sa relihiyong Islam ang dating Parochial Vicar natin na si Rev. Fr. Stan Soria.

Shock ako…Grabe!

Siya ay naglingkod sa ating Parokya sa ilalim ni Fr. Mar Enriquez. Hinding-hindi ko siya kinakitaan ng anumang senyales ng pagdududa sa ating pananampalataya.

Anyway, kung sa Islam niya higit na nakilala ang Diyos , so be it. Pero ang aking tanong ay isang all caps na WHY?

***


Mga kapanalig, tulungan ninyo kaming buhayin ang Boses ng Gagalangin Forum ng Anluwage.Com. Napakaraming usapin tungkol sa ating bayang Gagalangin ang kailangan nating i-talk about gayundin ang iba’t ibang concerns ng ating buhay, mapa-elders ka man or youth. Pansinin natin ang ating paligid.

Pag-usapan natin dito. As in dito.

***


We are in search for volunteer forum moderators. If your are interested, please register sa forum and email our editors something about yourself at anluwage1@yahoo.com .


***


For your violent reactions and suggestions about this item , pls email tanggero@catholic.org .

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP