Di kaya malayong tanghalin tayo ng Guiness bilang Coconut capital of the world?
Finally, lifted na ang restraining order na ipinataw sa akin ni Rev Nicolas kaya pwede ko nang pangalan ang 2 natatanging Gagalangineno na pinarangalan ng Archdiocese of Manila para sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod sa Saint Joseph de Gagalangin Parish. Ito ay sa katauhan nina Bro. Rody Segovia at Sis. Baby Buenaventura.
Mahal pa rin namin si Bro. Rodolfo de Jesus Segovia, kahit di niya kami naipagtanggol noong “inapi-api” kami sa Pastoral Council ng ilang manong at manang. Alam ko naman na deep inside ay labs pa rin kami ni Tatay Rody, ang butihing esposo ni Nanay Valeriana ng Samahang Medalla Milagrosa.
Pang-apat na si Rev. Fr. Nestee Gungon sa mga Pari Paroko na tinulungan ni Tatay Rody na maglingkod sa ating Parokya sa pamamagitan ng panunungkulan niya bilang presidente ng masayang Parish Pastoral Council. Unang-una ay sa maikling panahon ni Msgr. Navarro, sumunod ay sa 5 taon ni Fr. Mar Enriquez at pangatlo ay sa halos 7 taon ni Fr. Bong.
Alam ng mga Kura na ito ang kalibre ng isang Rody Segovia kaya hindi na nila kinailangan pang humanap ng iba.
Isa sa hinahangaan kong ugali ni Tatay Rody, sayang at di ko magaya, ay ang kanyang galing sa diplomasya. Nagagawa niyang kontrahin ang isang Parish Priest sa paraang tapat pero hindi nakaka-offend.
Minsan nga ay biniro siya ng isang komedyanteng pari na ikinapikon niya subalit magalang niyang sinabi dito na hindi maganda ang kanyang biro.
Natauhan ang pari at humingi ng paumanhin.
Si Tita Baby naman, o Honorata Buenaventura, ay taas noo nating maipagmamalaki bilang organista ng ating parokya. Kung baga sa isang awit, siya ay isang masterpiece. Kung ilang piyesa na ang kanyang libong beses na tinugtog, at kung ilang milyong tipa na ang nagawa niya sa ating organo ay siya rin dami ng kaluluwang natulungan niyang sumamba at magpuri sa Diyos.
Maaaring pinili ng Tita Baby na huwag sagutin ang tawag ng pag-aasawa subalit nakabuti ito para sa ating Parokya. Malaya niyang nabigyan ng panahon ang paglilingkod niya sa atin na minana pa niya mula sa kanyang mga mahal na magulang.
Matagal na panahon na niya tayong tinutugtugan, lalung-lalo na sa mga oras na hindi kayang gisingan ng mga higit na nakababata nating organista. Si Tita Baby ay dapat maging huwaran ng mga kabataang ngayon pa lamang gumagapang sa simbahan.
Si Tita Baby ay kabaligtaran ng ilang “taong-simbahan” na pawang pakitang-tao lamang ang pinagkakaabalahan. Hindi siya simbango at sindaming mag-make up ng ilang manang na kilala ko subalit para sa akin si Tita Baby ang pinakamaganda sa kanila. Siya ay matahimik na naglilingkod at gumaganap sa mga tungkuling nakaatang sa kanya.
Mahiyain pa ka n’yo sa picture taking.
Tita Baby at Tatay Rody, tanggapin po ninyo ang pagpupugay ng pamunuan at mga kasapi ng Tanghalang Anluwage, Inc.

Sa kasalukuyan, si Adora ay isang independent movie, concert at events producer sa New York, ka-partner ng kanyang hubby na si Bruce.
Happy birthday, Ate Adora! ( December 24 )
Sa mga nais mag-text kay Ate Adora, just email me at ibibigay ko cellfone# niya.

Itodo na natin ang pagbati. Happy birthday na rin sa iba pang mga December celebrators ng Tanghalang Anluwage, Inc. Dalawa mula Production at isa mula Art Department. Si Topher Dy, isang versatile na tao - kayang magpatawa, magpaiyak, magpagalit at mangulit. Isang mahusay na choreographer at singer at fashion guru.
Si Russel Madlangbayan, ang pirated-version ni Kris Aquino sa kakikayan subalit once na nagsimula nang umarte sa stage, hindi mo na siya makikilala. Super sa characterization.
Ewan ko na lang kung may aangal, si Ewha Lumabi ang isa sa pinakamalufet na artist ng TA, Inc. Hindi na mabilang ang mga artwork at production design na nagawa niya para sa grupo.
Topher, Russel, Ewha, cheers for long life!!!
Ang tradisyunal na Christmas Card ay tila unti-unti ng sinasapawan ng text messaging, lalo pa sa pagpasok ngayon ng multi-media services ng mga cellphones natin, kung saan pwede tayong magpadala ng mga personalized na greeting cards sa cell ng mga friendship natin. May pakiusap lang sana ako.
Kung pwede lang naman, buo sana nating i-key in or i-type ang pagbati natin ng Merry Christmas. Kasi pag Meri Xmas, parang inekisan natin ang totoong dahilan ng Pasko - si Christ.
Hindi merry ang Christmas kung wala si Christ!
Sa totoo lang, hindi masarap magsimba sa labas ng simbahan. Napakaraming eksenang nakakasira ng atensiyon sa iyong pakikibahagi sa Banal na Misa. May mga nagkukuwentuhan lang. Mayroong parang may morning kabag kaya di mapakali sa pwesto. Siyempre di rin mawawala ang mga Romeo at Julieta, na sobrang lalambing.
Haaay, eto na! Maligayang pasko po sa lahat ng nakikitagay sa Tanggero at sa ANLUWAGE.COM. Karangalan po na kami'y binigyan ninyo ng chance na maging bahagi ng inyong cyber-life.
iTAas ang ating mga baso!
MALIGAYANG KAARAWAN PO, MAHAL NAMING PANGINOON!
For comments and violent reactions, email tanggero@catholic.org.
No comments:
Post a Comment