As usual, wala!
Talaga namang wala eh. Ewan ko rin. Bahala na. Ano nga ba? Ang tanong: meron ba?
The fact na insane pa rin ako hanggang ngayon, I think it's enough to say na may na-accomplished ako.
God have mercy on my soul.
Mas madali yatang bilangin kung ano ang mga naging kapalpakan natin this year over accomplishments. Naalala mo pa ba noong minsang mag-chat ka sa Yahoo habang nasa office at nagta-trabaho? Di ba naka-PM mo si Osama_Bin_laden666. Maghapon kayong nag-chat-chatan, right? Muntik na ngang maging "kayo" in that span of time. But later that day nadiskubre mo na siya pala ang supervisor mo.
MEMO!
Last month lang. Biyernes yata yon. Naisipan ninyong mag-cutting classes. Punta kayo sa Broadway, sa may studio ng Eat Bulaga. Tuwang-tuwa ka kay Jose dahil talagang kamukha mo siya. Eh kaso, malikot ang cameraman at iginala ang camera sa audience. Kahit anong takip ng mukha ang gawin mo, nakilala ka pa rin ng nanay mo.
Nanay mo pa!!! Napa-attend ka tuloy ng Misa pag-uwi mo.
SERMON!
Akala mo walang makakakita sa'yo. Nag-casino ka. Nagsabong to the max. Hindi mo alam na may mga nagka-casino at nagsasabong din sa mga nasasakupan mo. Malas mo nakita ka nila.
CNN!
Masyado ka kasing babaero. Ang dami mong pinag-a-i-love-you-han sa text. Sa katangahan mo, nilalagyan mo pa ng pangalan. Sa katangahan mo, nagkamali ka pa ng send. Sa katangahan mo, wala ka ng load, wala ka pang GF!
NETWORK ERROR!
Inutusan kang magbayad sa opisina ng Meralco dahil nakadalawang balik na yung kolektor. Sa ikatlo, may kasama na itong mamumutol. Eh half day pa naman dahil Sabado. Kaso tinatamad ka pa kaya dumaan ka muna sa bahay ng tropa mo. Eh, may bookies ng karera ng kabayo sa katabing bahay. Walanghiya, ang lakas ng tip. Wala raw katalu-talo. Dehadong-dehado. Nakiloko ka naman at itinodo mo pa ang pambayad n'yo sa kuryente. Madu-doble iyon at matutuwa ang nanay mo. At nanalo nga........... 'Yung kalaban!
&*^*^$^%#^(*)_&^^%%!!!
Talagang ganyan ang malas. Pag dinapuan ka, malas mo.
Happy New Year sa inyong lahat! Have a malas-free 2006!
PS: Maligo bago mag-alas dose ng hatinggabi sa December 31, 2005 upang matanggal ang sumpa ng 2005. Please pass this message to the 10 most important persons in your life. And continue the chain for a more prosperous new year. If the message comes back to you, totoo nga ang tsismis. May putok ka.
For comments and violent reactions, email tanggero@catholic.org.
No comments:
Post a Comment