Powered by Blogger.

Thursday, January 12, 2006

Watch and Learn, Gagalangin!

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pagkabasa ko sa mga activities na inihanda ni Fr. Erick Santos at ng kanyang mga ka-parokya sa Tundo para sa kanilang piyesta sa Linggo, January 15, 2006.

Inggit yata.

***


Inggit dahil kaya meron silang Fr. Erick na sobrang nakakahawa ang energy, enthusiasm, creativity at charisma?

***


Inggit dahil kaya meron silang Pastoral Council na may gulugod at kayang manindigan para sa Parokya? Pastoral Council na bukas sa mga sariwang ideas at hindi itinuturing ang mga kabataan na threat sa matatanda?

***


Inggit dahil meron silang Pastoral Council na hindi nagri-recycle ng mga activities at projects. Na hindi kumukuha ng ideas sa pinakalumang minutes of the meeting. Pastoral Council na hindi takot kumawala sa mga "nakagawian" na?

***


Inggit dahil meron silang hyper-active na mga Youth na malayang naibubulalas ang kanilang mga kaisipan at damdamin para sa Parokya at hindi takot sa sumpa ng mga manong at manang?

***


Wag ninyong isipin na mainggitin akong tao o walang kakuntentuhan sa buhay. Hindi ko lang talaga maiwasang ikumpara ang Fiesta preparation ng Parokya ni Erick sa preparasyon natin sa ating Sentenaryo.

Malayung-malayoooooooooooo!

***


Magkatapatan nga tayo. Kayo ba ay nalugod man lang ba sa naging pagdiriwang ng ating ika-100 taon bilang parokya? I mean, iyon ba ang naangkop para sa paggunita sa isang siglo ng pananampalataya?

Liars go to hell!!!

***


Eh, Mokong, hindi naman nasusukat sa garbo at karangyaan ang kasiyahan ng isang selebrasyon eh. Sa puso ito dapat tumatak at hindi sa tiyan o sa mata.

Nangyari ba naman? Come on, gimme a break!

***


Haay, Mokong, nagsa-sourgraping ka lang kasi sinibak ang grupo ninyo sa Centennial Committee.

Asus! Laking pasasalamat ko nga at nasipa kami sa komiteng iyan. Kung nagkataon, baka kami pa ang nasisi.

***


Anyway, kung bitin kayo sa Centennial celebration ng ating Parokya, makisaya na lang tayo sa Lakbayaw Festival at Pistang Jologs ng Parokya ni Erick sa Sabado, January 14, 2006, alas-seven a.m.

***


For comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP