
Idineklarang Man of the Year ng Philippine Free Press ang magiting na Arsobispo Oscar V. Cruz, ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan at pinuno ng Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng.
Ayon sa magazine, kahanga-hanga ang paglantad ng Arsobispo bilang maingay na kakampi ng moralidad para sa mahihirap nating kababayan na patuloy na nililinlang ng sugal, partikular na ang jueteng.
Ayon sa magazine, kahanga-hanga ang paglantad ng Arsobispo bilang maingay na kakampi ng moralidad para sa mahihirap nating kababayan na patuloy na nililinlang ng sugal, partikular na ang jueteng.
***
Sa halip na magpasarap at magkulong sa air-conditoned na opisina, minarapat ni Cruz na banggain ang mga halimaw na promotor ng mga illegal na pasugalan sa bansa at maging ang mga galamay nito sa gobyerno.
Panalo ka, Archbishop Cruz!!!
***

Wala pang opisyal na announcement ang Vatican sa kanyang magiging kapalit sa Pinas.
Pwedeng si Msgr. Mokong. Malay natin.
***
Remember PCP 2? Togug! Hindi iyan sequel ng isang pelikula! Iyan iyong Second Plenary Council of the Philippines o ang pagtitipon-tipon ng mga Katolikong Pinoy noong First Quarter ng 1991 sa San Carlos Formation Complex upang mag-formulate ng mga pagbabago sa Simbahan.
That was 15 years ago.
***
Ang PCP 2 ang nag-coin ng tagline na "Church for the Poor." Ito rin ang nangako ng mas pinalakas pang evangelization na paabutin umano hanggang sa pinaka-grassroots ng ating lipunan. At ng marami pang pagbabago sa Church.
Mga pagbabagong hanggang ngayon ay DRAWING!
***
At least, aminado naman ang Simbahan na nahihirapan tayong ipatupad ang mga ideas ng PCP 2 dahil kulang na kulang talaga tayo sa formation at education at masalimuot ang structure ng ating lipunan. At malamang marami pa rin sigurong parokya ang walang Pastoral Plan.
Hanggang Bingo Social na lang ba tayo? Ha?
***

Pag nagawa mo po iyan, Bishop Lagdameo, isa ka talagang ANGEL!
***
Sabi pa ni Bishop Angel, naka-summarize sa 9 Pastoral Priorities ang renewal ng Simbahan:
1. Integral Faith Formation ( ayusin ang pananampalataya )
2. Empowerment of the Laity towards social transformation ( bigyan sigla ang madlang-people)
3. Active presence and participation of the poor in the Church (tumabi-tabi muna iyong mayayaman na makakapal mag-make up)
4. The family as focal point of evangelization ( pamilya muna )
5. Building and strengthening of participatory communities that make up the parish as a community of communities ( hindi lang daw kayo ang mga anak ng Diyos )
6. Integral renewal of the clergy ( Paging, Fathers! Lifestyle check daw po.)
7. Journeying with the Youth ( Youth, magligpit na raw kayo ng mga mesa )
8. Ecumenism and Interreligious dialogue ( kilalanin natin ang iba pang relihiyon )
9. and Animation and Formation for Mission ad gentes. ( ano ito, Manong Piet? )
***
For your comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org
No comments:
Post a Comment