Sa mga kaganapan ngayon sa ating bansa, lalo akong nangungulila sa Mabunying Kardinal Jaime Sin. Siguro kung buhay lang siya ngayon, matagal na dapat natapos ang dapat matapos.Masyado kasing kina-career ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang separation of church and state. Na tama rin naman. Kaso mo, sa kanilang panawagan na manatili tayong mahinahon sa kabila ng mga nakapag-iinit ng ulong mga pangyayari sa paligid at patuloy na magdasal para sa ating bayan, parang malabnaw na stand ito.
Anong ipagdarasal?
Na magkaroon ng kapayapaan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa mga kumakalaban kay Gloria Arroyo? Na matutuhan nawang tanggapin ng mga mamamayan ang mga plano ng gobyerno sapagkat ito ang makakabuti para sa bayan sa mata ng pangulo?
O magkaroon nawa ng kapayapaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbaba sa pwesto ni Ginang Arroyo upang magkaroon ng chance ang bansa na makapag-umpisang muli?
Alin ba, mga excellencies, ang dapat?
Kailangan ba talaga dapat na mabait ang dating ng mga Obispo? Na dapat walang kinikilingan? Hindi ba sila dapat manindigan para sa atin? Manindigan in the sense na malinaw ang kanilang mensahe, lalo na kung kapakanan na ng bayang naghihirap ang nakasalalay?
Talagang nalalabnawan ako sa "huminahon at manalangin" na stand na ito ng CBCP. Napaka-unChrist. Ang Panginoon kung bumanat sa mga Pariseo ay diretsahan.
Walang kiyaw-kiyaw.
Let me quote Cardinal Sin's retirement statement: "My duty is to put Christ in politics. Politics without Christ is the greatest scourge of our nation."
AMEN!
Mga youth, ang Ash Wednesday ay umpisa ng ating 40 days na paghahanda para sa Easter. Anu-ano ba ang mga pwede nating gawin habang hinihintay natin ang Pagkabuhay?PRAYERS : Maraming-maraming prayers. Makipag-bonding tayo sa Diyos. Di ba mas nakikilala natin ang ating mga kaibigan kung matagal nating nakakasama at nakakakwentuhan? Sabihin natin sa Kanya ang ating mga hang-ups, mga takot, mga problema sa pag-ibig. Let's thank him sa mga blessings na natatanggap natin, lalo na yung mga small stuff na hindi natin napapansin pero mahalaga pala.
Ask Him to guide you sa mga malalaki at maliliit na decision making na kailangan mong gawin.
Eto ang sure, He'll never argue with you. He's a good listener kaya.
Pero prayer doesn't mean na ikaw lang ang magsasalita. Wag ka naman selfish. Let Him talk to you also sa katahimikan ng iyong puso. Just shut-up, close your eyes and feel His loving presence. ( Itutuloy )
For comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org .
No comments:
Post a Comment