Nagkataong recess ang session noon kaya nang malaman niyang naroroon kami kaagad niya kaming nilapitan at kinausap. We showed to him our proposal at matiyaga naman niya itong binasa sa harapan namin. May mga legal at technical glitches ang aming proposal at ito ay matiyaga niyang ipinaliwanag sa amin. Hindi pala pinapayagan ng batas ang paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa alin mang sekta ng relihiyon.
Subalit nangako siya na tutulungan niya ang aming proyekto sa ibang kaparaanan.
Totoy na totoy pa kami ni Vlad noon kaya hindi namin inaasahan na magiging ganoon kaiinit ang pagtanggap niya sa amin. Kaya pala siya mahal na mahal ng Ikalawang Distrito ng Maynila. Pagmamahal na hindi kinayang itumba ng gandang lalake ng yumaong Nestor Ponce at ng cuteness ni Marlon Lacson.
Alam natin na si Congressman Lopez ay kinatawan natin sa Kongreso. Siya ang ating tinig sa mga batas na lilikhain at rerebisahin ng republika. Subalit sino ba si Congressman Jim at ano ba ang kanyang mga inaatupag sa loob ng Batasan?
To start, Jim Lopez is a member of the Lakas-CMD party na kabilang sa may hawak ng majority bloc ng Kongreso. Safe to say na friend siya ni Mr. Speaker Joe De Venecia. Siya ang Chair ng Committe on Banks and Financial Intermediaries at Vice Chair naman ng Committee on Foreign Affairs at miyembro ng mga makakapangyarihang committees like Appropriations, Constitutional Ammendments, Public Works at ang kontrobersiyal na Committee on Justice, na namahala sa pre-impeachment case ni Gloria Arroyo.
Nag-abstain nga pala si Congressman sa kung dapat bang dalhin sa Senado ang impeachement case ni Gloria o ibasura na lamang? Bakit kaya abstain? Anyone?
Ilan sa mahahalagang panukalang batas ni Congressman Jim ay ang pagtatatag ng Solar Energy Development Authority upang pangunahan ang pag-develop natin sa paggamit ng enerhiya na nagmumula sa araw.
Inakda rin niya ang House Bill 1496 na maglalagay ng mga fax machines sa lahat ng bayan,siyudad at pinakamaliliit na munisipyo sa buong Pilipinas. Gayundin din ang HB 1499 na magpapataw ng parusa sa sinumang magulang or guardians na mahuhuling gumagamit sa kanilang mga anak o ampon sa pamamalimos, prostitusyon at iba pang illegal na gawain.
So on and so forth.
Nasabi kong maganda ang figure ni Congressman Lopez dahil sa mga sumusunod:
1. Sa 74 session days mula July 2004 hanggang May 2005 ay 2 araw siyang nasa misyon abroad at walang absent
2. Siya ay 72 Years old na subalit matindi pa rin
3. Ang kanyang declared assets as of 31 December 2004 ay P 9,915,584.43 at walang pagkakautang at P 9,364,314.43 total assets naman noong 30 June 2004.
4. Noong taon 2002 siya ay gumastos ng P 5,959,672.94 para sa:
Salary .................................................P 420,000.00
Representatives' Foreign Travel ........ 573,956.50
District Field Staff Allocation ............... 650,000.04
Contractual Consultants ....................... 120,000.00
Research ................................................. 396,000.00
Consultative Local Travel ..................... 684,000.00
Communication ...................................... 129,600.00
Supplies ................................................... 120,000.00
Public Affairs Fund ................................ 308,400.00
Central Office Staff............................... 2,459,332.40
Equipment/Furniture & Fixtures............ 98,384.00
5. Noong January hanggang June 2003 in-allocate niya ang kanyang Priority Development Assistance Fund at DPWH as:
PDAF ...................... P 3,841,000
DPWH ...................... 25,000,000
Total ..................... P28,841.000
Ito so far ang mga available data tungkol sa term ni Congressman Jaime Lopez, courtesy of Makati Business Club CongressWatch.
Ang tanong: Gagalangin, iboboto mo ba si Cong Jim Lopez sa Congressional Election sa 2007 for his 3rd term?
For comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org
No comments:
Post a Comment