Powered by Blogger.

Thursday, August 10, 2006

Tulungan Si Kulasa!

Kailangan ko ang tulong ninyo. Marami sila at nag-iisa ako. Ako versus dalawang Katolikong tulad ko at isang Iglesia Ni Cristo.

Pakiramdam ko ako ang Iglesia at silang lahat ay Katoliko.


***


Hulaan n’yo kung ano ang topic namin….. Religion?....... Nope!

SEX!


***


As in S-E-X. Naikwento kasi nitong si Iglesia ang kamunduhan ng isa pa naming kaibigan. Itago natin siya sa pangalang Born Again. Dahil talaga naman isa siyang "Born Again". Meaning uma-attend siya regularly ng mga worship, fellowship at Bible studies.

Dito nga niya nakilala si Sixteen Years Old.


***


Sa kuwento na rin ni Born Again kay Iglesia, sa dalas ng pagkikita nila ni Sixteen Years Old ay nagkadebelopan sila at nagkahulugan ng loob. To the point na meron na silang sariling fellowship night para sa kanilang dalawa sa bahay ni girl. Na nagkataon naman na kasabay lagi ng regular prayer meeting ng parents nitong si babae sa ibang bahay.

Solo nila ang bahay samakatwid.


***


Kaya nga sari-saring “himala,” “apparition” at “transfiguration” ang namamagitan sa dalawa weekly na hindi namalayan nina parents dahil tiwala sila kay Brother.

At ang dalawa…they live happily…every week!


***


Ang depensa ni Bother, este Brother pala, ay pareho nilang gusto ang mga nagaganap.
Na pinagpi-pray nila ang kanilang ginagawa bago nila ito gawin.

Na mahal naman nila ang isa’t isa.


***


Sabi ko sa aking mga “katunggali,” halos sampung taon ang tanda ni Born Again kay Sixteen Years Old. Kung talagang mahal niya si babae iisipin niya ang kinabukasan ni nene. Siya ang matanda kaya dapat siya ang responsable. Paano kung di sila magkatuluyan? Sinong agrabiyado?

Si Tanda? Susmaryosep! Sa’n ka pa?


***


Ngunit wala akong makuhang kakampi sa mga hunghang kong kausap. Ok lang naman daw iyon dahil payag naman yung paslit.


***



Si Sixteen Years Old ay 8 sa Richter scale. Ibig sabihin ay nakayayanig ang ganda at katawan na siguradong ikauuga mo kahit bata pa samantalang etong si Brod ay parang bunganga na tinubuan ng tao.

Patawawin ako ng Diyos.


***


Ang mga hunghang ay inggit na inggit sa kamote. Naka-jackpot daw. Sa dami nga raw ng mga nangyari sa dalawa ay ayaw nang kumawala ni Girl. Minsan hindi dinatnan si Sixteen Years Old kaya todo-kaba ang damuho.

Biglang lay low ang lolo mo. Belaaaat!


***


Nakahinga lang siya nang maluwag noong mag-back to regular programming ang monthly period ni babae. Ang kaso mo, pagkatapops nun ay umariba na naman si totoy.

Walang kadala-dala.


***


Ako ay tunay na nagigitla at nawiwindang sa mga kabataan ngayon. Sa maagang edad ay sinusubukan na ang laro ng pag-ibig. Hindi ako magpapakaipokrito, napagdaanan ko rin naman lahat ng ito subalit hindi ganito kaaga. Halos hinahatid pa sa eskuwela itong si kulasa.


***


Ang masakit nito – ang masakit sa tengang reaksiyon ng lipunan dito – ay “Hayaan mo sila…wag lang bubuntisin agad ni lalake.”

Manong Piet, pakilabas mo na ang iyong rosaryo!


***


EXCESS: Na-miss n’yo ba ako? Kasi kayo miss na miss ko habang ako’y nasa bakasyon. Nagnilay-nilay. Sinunod ko kasi ang payo ng lolo ko:

“Kung wala kang masabing matino, manahimik ka!!!”


***


Subalit isa ang tinitiyak ko sa inyo:

NANDITO LANG AKO
Shamrock



INTRO


Nais ko'y iyong malaman
Ngunit 'di ko naman pwedeng sabihin
Paano mo maiintindihan
Kung 'di ko rin pwedeng aminin


REFRAIN
Ngunit kahit puno ng lihim ang aking pagkatao
Maging ang buhay kong ito'y ibibigay sa 'yo


CHORUS
Tibay at lakas ng loob
Ang iaalay para lang sa 'yo
Nais kong malaman mo, may karamay ka
Nandito lang ako


Walang lihim naman akong magmahal
Kahit lagi lang nasasaktan
Ang tanging pangako ko
Ay tapat ang puso kong ito


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]


BRIDGE
At kahit na magkaiba ang ating mundo
Pipilitin kong mapalapit sa iyo


AD LIB


CHORUS
Tibay at lakas ng loob
Ang iaalay para lang sa 'yo
Nais kong malaman mo, may karamay ka
Nandito lang

Tibay at lakas ng loob
Ang iaalay para lang sa 'yo
Nais kong malaman mo, may karamay ka
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako







***


For comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org .

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP