Powered by Blogger.

Saturday, June 09, 2007

University of Regrets

“Sana lang pinagtiyagaan kong tapusin.” Eto ang mapapakla kong mga linya tuwing naaalala ko ang ginawa kong pagpapabaya sa aking pag-aaral noong kolehiyo. May baluktot kasi akong paniniwala na matagal ko rin inalagaan.

Bakit ba ako mag-aaral, ako na nga itong magbabayad sa paaralan ako pa itong bibigyan ng kung anu-anong assignments? Samantalang kung magtatrabaho ako, bigyan man ako ng assignments, at least, ako ang babayaran.


***


Galing ko rin, ‘no? Sa sobrang bilib ko sa sarili akala ko’y madali akong makakahanap ng magandang trabaho. Feeling street smart kasi. Sa height, wala akong problema. Above average. I’m flexible, I can work long hours with very minimum supervision. Computer literate (esp YM & Chikka). I am team player. How about pleasing personality?

Matangkad ako.


***


Must be a graduate of any 4-year course. Naka, umpisa pa lang ng mga classified ads, bokya na ako. Dalawang taon lang kasi ang ginugol ko sa PUP. Yung remaining na dalawang taon sa SM Sta. Mesa at Isetann Recto ako nagpakadalubhasa – sa paggala at panonoood ng sine.

Bigyan kaya ako ni Henry Sy ng transcript of record?


***


Kaya sa mga college freshmen at sophomores diyan, matagal-tagal pa ang bubunuin ninyo sa unibersidad o kolehiyo pero pilitin ninyong tapusin ito. Wag kayong bibitiw upang wala kayong pagsisihan sa bandang huli.

Puno na ang data base ng mga undergrad.


***


Kung tutuusin nga, mas matalino at magaling pa ako kumpara sa mga boss ko. Pero bakit sila ang laging nasusunod at may malalaking sweldo? Bakit sila ang may Compaq Intel Centrino laptop at O2 I-mate? Bakit ako, ako na tambak ang trabaho araw-araw ay Pentium II ang PC at Nokia 3210 ang gamit? Bakit sila sa Starbucks at Seattle’s Best nagkakape samantalang ako ‘yung Great Taste 3-in-1 sachet ay hinahati ko pa sa dalawang timplahan?

Kasi nga graduate sila…. Kailangan pa bang i-memorize yan?


***


Sa mga magsasabi naman na marami rin ang nagtagumpay at umasenso sa buhay kahit walang diploma, isa lang ang masasabi ko sa inyo:


He! Manahimik kayo. Sinisira n’yo ang kuwento ko.


***


Napanood ko sa cable noong Huwebes ang Simone, isang pelikula tampok si idol Al Pacino bilang laos na film maker. Muling nabuhay ang kanyang career nang isang computer wiz ang nagpamana sa kanya ng isang software na kayang lumikha ng mga computer-generated na artista sa pamamagitan ng mga pixels at mathematical equations na hitsurang tao talaga. Ito nga si Simone.

Subalit itinago ni Al ang katotohanan at sa halip ay ipinakilala si Simone bilang tao. Naging instant superstar si Simone dahil bukod sa napakaganda at seksi nito, napakagaling pang umarte dahil na rin nga programmed ito mula sa mga pinagsama-samang video files ng mga magagaling na mga aktres.

Buhol-buhol na kasinungalingan ang hinabi ni Al mapanatili lamang ang kanyang lihim. Paano siya nabuko?

Secret!


***


Maraming butas ang pelikula subalit kayang-kayang takpan ito ng walang kupas na acting ni Al. Sulit ang minutong pagtunganga sa telebisyon.

Viva Al Pacino!


***


For comments and violent reactions, please email tanggero@catholic.org .

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP